^

Pang Movies

Cherie ayaw pag-usapan ang TF

Nitz Miralles - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tingin namin, nag-iba ang facial expression ni Cherie Gil nang tanungin sa presscon ng Onanay kung alin sa ABS-CBN at GMA-7 ang mas mataas magbayad ng talent fee. Mukhang na-offend ang magaling na aktres, tiningnan ang nagtanong sa kanya at akala namin, iku-call ang attention.

 

Pero sabi lang nito, “talent fee is a huge consideration, but it’s too personal. All I can say is, I love doing what I’m doing,” at tinapos ni Cherie ang isyu.

Nakwento ni Cherie ang challenges sa kanya ‘pag kaeksena si Jo Berry, limitado ang kilos niya dahil kailangang tumingin kay Jo. Kaya bilib siya sa director nilang si Gina Alajar na magaling maghanap ng anggulo para maayos na makunan ang mga eksena nila ni Jo.

Natatakot din si Cherie na masaktan si Jo ‘pag ang eksena ay kumakapit ito sa binti niya. Baka hindi niya mapigilan ang sarili at masipa niya ito.

Magsisimula ang airing ng Onanay sa August 6, pagkatapos ng Victor Magtanggol at umaasa si Cherie na susuportahan ang teleserye na may kakaibang tema at kakaibang love story.

Nora nanahimik sa sigalot sa mga anak

Nag-gesture si Nora Aunor na ayaw pag-usapan ang tungkol sa mga anak niya sa presscon ng Onanay na naintindihan ng press people. Mas maganda nga naman kung hindi na lang siya magko-comment para hindi na lumaki ang gap nilang mag-iina.

Dahil hindi nagsalita tungkol sa mga anak, hindi nakuha ng mga reporter ang reaction ni Nora sa upcoming wedding ni Lotlot de Leon sa Lebanese fiance. Sa December 17, 2018 ang kasal, isang beach wedding ang magaganap at naghahanap na raw sina Lotlot ng perfect beach resort.

Samantala, “special participation” ang pakilala kay Nora sa Onanay, tanong tuloy ng mga reporter, magtatagal ba o sandali lang ang labas ni Nora sa teleserye na pilot sa August 6, sa direction ni Gina Alajar.

Cassy nagpapaka-pribado

Naka-private ang setting ng Instagram (IG) account ni Cassy Legaspi, ang babae sa kambal na anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel, hindi tuloy siya ma-congratulate ng kanyang supporters sa pagpirma nila ni Mavy ng kontrata sa GMA Artist Center.

Sa interview kay Cassy after pumirma ng kontrata, nabanggit na gusto niyang makatrabaho si Julie Anne San Jose. Hindi lang malinaw kung sa anong para­an niya gustong makatrabaho si Julie sa comment niyang “I actually look up to Julie Anne

San Jose. Sorry...oh my god...Yeah, I wanna work with her.”

Ibig sabihin ba nito, gustong makipag-collab ni Cassy kay Julie as a singer or as a songwriter? Sana may follow-up question para mas malinaw ang gustong tukuyin ni Cassy.

Direk Chito inalis ang Waray dialogue sa SR

Inalis ni director Chito Roño ang Waray dialogue sa pelikula niyang Signal Rock na hindi namin naitanong kung bakit. Pero mararamdaman at makikita pa rin na sa Biri, Samar kinunan ang pelikulang pinagbibidahan ni Christian Bables at kasama sa mga entry sa 2nd Pista ng Pelikulang Pilipino. Maganda sanang marinig kung paano mag-Waray sina Christian at ibang cast.

Anyway, sa August 15-21 ang showing nationwide ng mga pelikulang kasama sa PPP, kaya abot ito hanggang Samar at Tacloban City at mapapanood ng mga taga-Biri. Passion project ito ni direk Chito na noong una, hindi pa sigurado kung magagawang pelikula.

Inisip pa nito kung ibibigay sa Maalaala Mo Kaya ang story, pero nanghinayang siya na sa isang episode lang mapapanood. Kaya itinuloy niya na gawing pelikula sa ilalim ng kanyang CSR Productions. Ang Regal Entertainment ang distributor ng pelikulang tungkol sa kawalan ng signal sa isang lugar sa Samar.

 

vuukle comment

CHERIE GIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with