^

Pang Movies

Jo Berry gustong bigyan ng pag-asa ang little people

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Jo Berry gustong bigyan ng pag-asa ang little people
Jo Berry

Halos maiyak at hindi nakababa ng staircase si Jo Berry nang i-present na ang buong cast ng newest heart-warming primetime series sa media conference ng GMA Network, ang Onanay kung saan siya ang gaganap bilang lead role.

 

Napakainit kasi ng pagtanggap ng entertainment press sa kanya. Nagpaka-gentleman naman si Adrian Alandy (dating Luis Alandy) na sinalubong sa gitna ng staircase si Jo at inihatid sa stage. Si Adrian ang gumaganap na mabait na asawa ni Jo sa primetime series.

Nakausap namin si Jo after the launch at Berry talaga ang surname niya dahil ang kanyang ama ay half-Spanish at half American.  She stands 3 feet in height, bunso sa four children. Namana nila ng kuya niya ang pagiging Achondroplasia or ang medical term na dwarfism sa kanilang ama. 

Sa Onanay normal si Adrian pero na-in love siya kay O­nay. Sa totoong buhay, normal ang Mama ni Jo na na-in love sa kanyang Papa.

At 24, matalino at very positive ang attitude ni Jo, hindi siya nakaramdam ng awa sa sarili niya dahil pinalaki silang maganda ng mga magulang nila.

“Hindi po ako nagtanong sa sarili ko or sinisi si God, kung bakit ako ganoon, nakikita ko namang ganoon din sina Papa at Kuya.”

Two years nang may corporate job si Jo nang duma­ting ang offer ng GMA. Matapos mai-present sa kanya ang Onanay at pumayag naman ang Papa niya, nag-resign na siya sa kanyang job

`“Ayaw ko pong palampasin ang malaking opportunity. Naniniwala po ako sa story they presented to me. Gusto ko pong magbigay ako ng inspirasyon sa mga tao lalo na sa mga tulad ko. Major decision at major twist po ito sa buhay ko. Pero naniniwala ako na kaya po different ako kasi may bigger purpose ako to play sa mundong ito. Gusto ko pong sa pamamagitan ng seryeng ito, maiba ang pagtingin ng mga tao sa mga ‘little people’ na tulad ko.”

Mapapanood na ang Onanay sa GMA Telebabad simula sa Monday, August 6.   

Horror-comedy serye ni Jose, pang 40th ng EB!

Simula na ng 40th anniversary celebration ng longest-running noontime show, ang Eat Bulaga. At bilang pasimula ng celebration, susubukan naman ng Dabarkads na si Ariel Manalo aka Jose Manalo na idirek ang first horror-comedy series na Pamana na magtatampok sa Pamilya Nunal, sina Jose, Wally Bayola, Paolo Ballesteros at Maine Mendoza.

Ano kaya ang pamanang matatagpuan nila sa bahay ni lola? Kinunan ang kabuuan ng serye sa Sampaguita-Vera Perez Gardens sa Valencia, Quezon City. At bukod sa apat na main cast, may special participation din sina Alden Richards, Allan K, Pia Guanio at Luane Dy. Kaya tutok na mamayang 11:30 AM para hindi ninyo ma-miss ang Pamana.

Maine mag-uumpisa sa Vic at Coco movie

Humihirit pa ang mga fans ni Maine Mendoza na huwag munang tapusin ang guesting ni phenomenal star sa fantaserye na Daig Kayo Ng Lola Ko. Bukas na raw kasi, Sunday, at 6:55 PM ang last episode ng The Adventures of Laura Patola and Dwen-Ding kung saan kasama niya si Yuan Francisco.

Pero kailangan na raw si Maine sa shooting ng Popoy En Jak: The Puliscredibles kung saan makakasama naman niya siya nina Vic Sotto at Coco Martin sa entry nila sa coming Metro Manila Film Festival (MMFF) 2018 sa December.

 

 

vuukle comment

JO BERRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with