^

Pang Movies

Amy, Iza, Mariel, at Robin nagpatali pa sa Kapamilya

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Amy, Iza, Mariel, at Robin nagpatali pa sa Kapamilya
Amy Perez, Mariel Rodriguez-Padilla, Iza Calzado, at Robin Padilla

Mananatiling Kapamilya sina Amy Perez, Mariel Rodriguez-Padilla, Iza Calzado, at Robin Padilla matapos pumirma ng tig-iisang taong kontrata sa ABS-CBN. “Nakakatuwa na lagi nating kasama ang ating mga Kapamilya tuwing tanghali at parte na tayo ng buhay nila,” sabi ni Amy.

Mapapanood tuwing umaga sa Umagang Kay Ganda si Amy at sa It’s Showtime, kung saan kasama niya si Mariel.

Samantala, isa namang host ng bagong programa ng ANC na State of the Art si Iza. Sinabi niyang nasasabik siya sa mga gagawing programa pero ayaw pa niyang idetalye.

Isa naman si Robin sa cast ng daytime teleserye na Sana Dalawa ang Puso, kung saan kasama niya sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap. Pinsalamatan niya ang ABS-CBN sa pagtulong nito sa muling pagtatayo ng Marawi.

Kasama ng apat sa pirmahang naganap ang ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak, ABS-CBN chairman Mark Lopez, chief operating officer for Broadcast Cory Vidanes, at ABS-CBN TV Production head Laurenti Dyogi.

Parehong busy, Robin at Mariel na-dyeta sa make love

Speaking of Robin ang Mariel, true kaya na affected ngayon ang sex life nilang mag-asawa?

Hahaha. Ang say ng source, aminado raw ang actor na kung dati everyday ang kanilang pagpapa­ramdam ng pagmamahal, now daw every weekend na lang. Pero sinusulit diumano ng mag-asawa.

Ang misis daw na si Mariel ang sinasabing ‘vitamins’ ng actor kaya hanggang ngayon ay fresh pa rin ang hitsura niya.

vuukle comment

AMY PEREZ

IZA CALZADO

MARIEL RODRIGUEZ-PADILLA

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with