^

Pang Movies

Birthmark at lipstick ni Janine hindi pinalampas sa pang-ookray

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Birthmark at lipstick ni Janine hindi pinalampas sa pang-ookray
Janine Gutierrez

Overwhelmed si Janine Gutierrez nang i-offer sa kanya ng GMA ang action-drama-telefantasya na Victor Magtanggol. Natawa siya nang tanunging hindi ba niya inisip na maba-bash siya ng mga AlDub fans na ayaw na may ibang leading lady si Alden Richards?

“Excited po kasi ako dahil first time kong gagawa ng telefantasya,” sagot ni Janine.

“Minsan, nag-guest po ako sa Encantadia, pero sandali lamang iyon, hindi tulad dito. Saka work po lamang ito, as a contract star, kailangan ko pong gawin ang project na ibinibigay nila sa akin.”

Sino si Gwen Regalado, ang cha­racter niya sa serye na dinidirek ni Dominic Zapata?

“Isa po akong tour guide na nagtatrabaho noon sa Canada. Iwas po ako sa mga boys, hanggang na-meet ko si Victor Magtanggol. Hinahanap naman niya ang nanay niya at na­ging magkaibigan kami. Hanggang sa mai-in love ako sa secret character niya bilang isang superhero at ako ang magko-cover ng mga adventures niya bilang si Hammerman.”

Kumustang katrabaho si Alden?

“Napakahusay niya, napaka-warm na katrabaho. At napatunayan kong mahusay siyang actor, dahil may isang eksenang hindi naman ako kasama, nasa isang tabi lamang ako at pinapanood ko ang eksena nang magkita na sila ng nanay niyang si Tita Coney (Reyes).  Nadala talaga ako sa confrontation scene kaya sabi ni Direk Dom, ‘Janine, hindi ka naman kasama sa eksena, bakit umiiyak ka?’ Ang husay po kasi ni Alden, tapos ang husay-husay din ni Tita Coney.”

So, ready na siya sa mga bashers na kahit ang gamit niyang lipstick ay pinakikialaman nila? Sinabihan siyang cheap dahil daw kahit ang gamit niyang lipstick ay tig-P395 lang. Kahit ang balat (birth mark) niya ay pinagdiskitahan nila.

“Hindi ko na lang po pinapansin. Kapag may pinansin sila sa akin, naghahanap na lamang ako ng sagot na matatawa sila. Tulad nga po ng aking balat, sagot ko na lamang ‘kawawa naman ang balat ko.’ Pero sana po panoorin nila kami starting on Monday, July 30, after ng 24 Oras. Salamat po.”

Dion saludo kay Alden

Hindi na inilihim ni Dion Ignacio, mula sa first batch ng StarStruck na tatay na rin siya - 32 years old na raw siya at kinaaaliwan nila ng girlfriend na si Eilene ang one year old baby girl nilang si Dylanne Jailee.

Masaya siyang may partner na siyang nag-aalaga sa kanya at nakakawala raw ng stress ang kanilang baby, lalo na kung galing siya sa work.  Si Eilene na raw ang pakakasalan niya, nag-iipon lamang sila ngayon, ayaw na raw niyang masira ang family niya.

Thankful siya sa GMA na hindi siya pinababayaan at after ng Mulawin Vs Ravena, kasama siya sa big production ng GMA, ang Victor Magtanggol. Happy family raw ang Magtanggol kung saan gumaganap siyang funny husband ni Chynna Ortaleza at anak nila si Yuan Francisco as Meloy.

Kumusta naman si Alden na first time pa lamang niyang makakasama? “Mabait, mahusay na actor, makulit, masayang kasama, napaka-humble,” sagot ni Dion. “Kaya no wonder na sunud-sunod ang blessings niya, parang hindi siya napapagod, laging nakangiti.”

vuukle comment

JANINE GUTIERREZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with