^

Pang Movies

Sam walang bitterness sa paglaladlad ni Mari!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Sam walang bitterness sa paglaladlad ni Mari!
Sam Milby

Sinagot na ni Sam Milby ang tungkol sa sexual preference ng ex-girlfriend niyang si Mari Jasmine na as we all know ay nag-come out recently at ni-reveal na karelasyon ang direktor na si Samantha Lee.

Sa presscon ng bagong serye ni Sam na Halik, ayon sa aktor ay nagulat siya dahil noong sila pa ay wala naman daw siyang nakitang signs.

“I knew a while before pa, pero nun’g kami, no signs, no signs, wala. I didn’t know that she was open for that kind of relationship so I had no idea.

“And I don’t know, that’s not my story to tell in terms of her side. From my understanding, this is her first time to experience a relationship with a woman,” sey pa ng aktor.

Pero nilinaw niyang walang overlapping na nangyari at hindi raw naging third party ang direktor sa relasyon nila.

“And yeah, we’re okay, we’re friends, and I’m at a point, especially with her, like if that’s where she’s happy, then I’m happy for her.

“No bitterness in that sense, coz yun nga, there was no overlapping,” he said.

Kahit may asawa na, Jericho aminadong naghahanap ng ibang klaseng halik

Sa nasabing presscon pa rin ng Halik ay natanong naman ang isa rin sa bidang si Jericho Rosales kung hindi ba siya natutukso sa ibang babae kahit happily married na siya at kung hindi ba siya naghahanap ng ibang halik mula sa ibang babae.

“Naghahanap ako ng iba’t ibang klaseng halik mula sa aking one and only girl,” sagot ni Echo.

“Siyempre, nung kinasal ako, I made sure na malakas na ako. Eh na-realize ko na hindi pala ako ganu’n kalakas kasi humihina ako pag kaharap ko siya,” pagbibiro pa ng tinaguriang Asian Drama King.

Seriously, sabi ni Echo, “kahit kasal ka o hindi, you’ll go to challenges in life, so you go out there and kailangang prepared ka.”

Naging lesson daw sa kanya ang ginawa niyang serye na The Legal Wife at napakarami raw talaga niyang natutunan.

Samantala, proud na ibinalita ni Echo na pupunta siya sa Thailand kasama ang iba pang Kapamilya stars.

“’Yung mga shows natin, umaabot na sa iba’t ibang bansa, di ba? So, this time around, ‘yung Thailand, binili niya ‘yung shows ng ABS-CBN, so, lalabas kami do’n.

“Kasama ko si Daniel (Padilla), Kathryn (Bernardo) and Maja (Salvador). Kasi super-successful ‘yung Wildflower, I believe galing din sa RSB (Ruel S. Bayani).

“Du’n kami on the 30th (of July), so kakanta kami, may opportunity kami na kumanta, opportunity to meet people, other actors and also, guest sa isang show na parang version nila ng Kris Aquino, parang ganu’n.

“So, it’s a very interesting trip kasi makikita namin ang ibang kultura, so parang ito na ‘yun, nagme-merge na, who knows, baka may partnership na mang­yari just like ‘yung ginawa namin with Malaysia before,” pahayag pa ni Echo.

vuukle comment

SAM MILBY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with