^

Pang Movies

Halik mas pinaboran ni Charo!

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Halik mas pinaboran ni Charo!
Charo Santos

Base sa reaksyon ng entertainment press at bloggers noong presscon ng seryeng Halik, mukhang panalo na naman daw si Direk Ruel S. Bayani dahil mukhang magiging patok na naman ang serye na ito. Kasama rin sa mga nagdirek nito sina Cathy Amarillo at Carlo Po Artillaga.

Nauna nang gawin ni Direk Ruel ang seryeng Araw Gabi na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial na patuloy pa ring nagte-trending sa hapon at maituturing na isa ring success.

Ang seryeng Halik ay pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Yam Concepcion, Yen Santos at Sam Milby na first time lang nagkasama-sama sa isang project.

Papalitan nito ang serye nina Piolo Pascual at Arci Muñoz na Since I Found You kung saan tinatampukan din nina Empoy Marquez, Alessandra de Rossi at JC de Vera.

Magtatapos na ang SIFY sa darating na Biyernes.

Kumusta naman kaya ang pagtatrabaho nila kasama ang isa’t isa?

“Well, ako, I’m impressed, so far, with all my major co-stars. Pati na rin ng mga nakakasama kong performers in co-starring roles.

“I’m sure, This will click with the televiewers. Napakaganda at napaka-new ng kuwento.

“But I’d rather not elaborate,” susog ni Jericho.

“Baka ma-spoil ko ang excitement na this early, posibleng nadarama na ng mga gustong panoorin ang Halik.”

Ayon kay Direk Ruel, nanggaling daw ang title ng nasabing serye sa kanta ng Aegis na Halik. Kamakailan lang ay nagkaroon din sila ng concert sa Araneta Coliseum.

Si former President and CEO ng ABS-CBN Charo Santos daw ang nagsabi at nakaisip na parang mas magandang gawing title ang Halik kesa sa nauna nitong title na God Will Lead You Back.

Al Tantay sabik magkaapo

Alam mo ba Salve A. kung ano ang frustration ni Al Tantay bilang isang ama?

Ito ay dahil wala pa rin siyang apo sa kahit isa sa anim niyang anak. Ang panganay niya ay 37 years old na.

Pero lahat naman daw ng kanyang anak ay maipagmamalaki niya dahil pawang mga professionals na ito at may magagandang trabaho.

Mayroon siyang dalawang anak na babae kay Rio Locsin at isang anak na lalaki kay Stella Suarez, Jr. Ang tatlo namang mga bata pa ay anak niya na sa kanyang current wife.

Si Rio naman ay kasal na sa isang former top cager na naging pastor na ngayon, si Padim Israel, habang si Stella ay nakatira na abroad kasama ang anak niya kay Al.

Samantala, pagdating sa trabaho, tingin ni Al ay kaya pa naman niya. Meron nga siyang tinampukang pelikula na kasalukuyang showing ngayon. Ang I Love You Hater nina Joshua Garcia at Julia Barretto kasama si Kris Aquino.

‘Di lang yan, gaganap din siyang tatay ni Alden Richards sa bagong serye nitong Victor Magtanggol.

Nakapagdirek na rin siya ng ilang mga pelikula sa Viva Films at ngayon nga ay gagawin niya ang pelikula nina Robin Padilla at Manny Pacquiao na Robin at Pacquiao.

Philip hindi pa-star kahit dikit na dikit kay Digong

Sa katatapos lang na SONA (State Of the Nation Address) ni President Rodrigo Duterte, kitang-kita ang presence ni Philip Salvador na kumpare pala ni P. Digong.

Inaanak ni Philip ang bunsong anak nito at may inaanak din si P. Digong kay Philip.

Ganunpaman, in fairness kay Philip, hindi siya nagpa-star sa show kahit na madalas siyang ma-focus sa TV.

Samantala, napansin naman namin na si Lucy Torres-Gomez ang may pinakamagandang dating sa TV.

Ang asawa niyang si Richard Gomez ang current Mayor ng Ormoc City, habang siya naman ang representative ng first district ng Ormoc Province.

Si Heart Evangelista naman ay halata na ang laki ng ipinayat.

Sayang at di nakadalo si Lipa Representative Vilma Santos-Recto.

Kung sabagay, ‘di rin namin nasilayan sa TV si Senator Ralph Recto.

vuukle comment

CHARO SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with