^

Pang Movies

Mark nakipagsabwatan sa mga taga-Miss Saigon

YUN NA! - Joe Barrameda - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ang haba naman talaga ng hair ng Kapuso singer na si Aicelle Santos dahil sa fiancé nito na si Mark Zambrano. Kamakailan kasi ay kinontyaba nito ang mga katrabaho ni Aicelle sa Miss Saigon para lang dalhan ng paborito nitong bulaklak. Taray ‘di ba? Kaya naman si Aicelle, sobrang thankful dahil sa gesture na ito ni Mark.

Hindi lang tayong followers ng mahusay na singer ang kinilig sa ginawa ng Kapuso reporter dahil kahit mga kasamahan nila doon, todo-hiyawan.

Naks naman!

David at Shaira sa Magpakailanman, pumatok!

Hindi pinalampas ng mga manonood ang patikim nina David Licauco at Shaira Diaz sa pinagbidahan nilang episode ng Magpakailanman last weekend.

At para nga sa mga ito, worth it ang oras nila dahil something new ang ipinakita ng dalawa at talaga namang refreshing. Gumanap sila bilang childhood sweethearts na pinaghiwalay ng pagkakataon dahil sa magkaiba nilang lahi. Lingid sa kaalaman ng isa, nagka-anak sila. Nang pagtagpuin sila ng tadhana, wala nang naging second chance dahil may asawa na ang isa.

Talaga namang pinakilig at pinaiyak niyo ang mga fans, huh! Hiling nga ng iba sa GMA ay sana daw mabigyan pa sila ng proyekto together dahil malakas daw ang chemistry nila on-cam.

Glaiza kinilala ang husay

Mapa-akting man o kantahan, wala na talagang inuurungan si Glaiza de Castro. Kaya naman hindi kataka-taka na muling kinilala ang Kapuso actress sa Gawad Pilipino Music and Youth Special Awards 2018 para sa kategoryang Media People Choice Award bilang Most Outstanding Female Pop Artist of the Year na ginanap kamakailan.

Hindi man nakadalo sa awarding ceremony, ipinaabot naman ni Glaiza ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng Instagram post. Aniya, tulay daw ang parangal na ito para lalo pa siyang magtiwala sa sarili.                                       

vuukle comment

MARK ZAMBRANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with