^

Pang Movies

Alden gusto ring magdirek

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Alden gusto ring magdirek
Alden Richards

Na-in love nang husto si Alden Richards sa ginagawa niyang action-drama-fantasy series, ang Victor Magtanggol na this early, gusto na niyang mag-try magdirek.

“Kahit po sana isang eksena lamang dito sa Victor Magtanggol, bigyan ako ng chance ni Direk Dominic Zapata,” sabi ni Alden after the mediacon ng serye.

“Siguro po napapansin ni Direk Dom na after kong mag-take, o kapag wala akong eksena, nasa OB-Van ako. Nakikita ko po kasi kung paano niya ihanda ang eksena, at tinatandaan ko ang mga ginagawa niya. Kaya sana po bago matapos itong serye namin, mabigyan ako ng chance.”

Nang tanggapin ni Alden ang offer ng GMA Network to do Victor Magtanggol, matapos niyang mabasa ang synopsis nito, ipinangako na niya sa sarili na ibibigay niya ang lahat para magampanan nang maayos ang role niya.

“Bumalik na ako sa training, halos araw-araw nasa gym ako. At since maganda na ang katawan ko, may isa na akong eksenang nagpakita ako ng katawan, abangan po ninyo kasi nagawa ko na. Isa ring highlight dito iyong eksena namin sa palengke na two days naming kinunan.”

At nang isuot na niya ang kanyang superhero costume?

“Iba po ang feeling ko, at very thankful po ako, una kay God for the blessings and to GMA Network for the opportunity at faith in me sa pagbibigay nila ng project na ito sa akin. Kaya po ibibigay ko ang lahat.”

Malakas ang katapat nilang programa mula sa July 30, after ng 24 Oras, hindi ba siya kinakabahan?

“Kinakabahan po ako, pero malaki ang tiwala ko sa proyektong ito na naiiba naman sa mga napapanood na nating teleserye. Iba rin ang mga kasama ko rito, na ilan sa kanila first time kong makatrabaho pero masaya po ang set namin, lahat kami tulung-tulong sa ikagaganda nito. Sana ay panoorin ninyo kami simula na po sa Monday.”

Wala talagang kapaguran si Alden, after ng mediacon, tumuloy pa siya sa taping ng Pamana, ang horror teleserye sa EB sa Saturday, July 28, tampok ang Pamilya Nunal na sina Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros sa direksyon ni Ariel Manalo. Isa sa mga guests si Alden na natapos ang taping niya almost 6:00 AM na pero nag-report pa rin siya sa Eat Bulaga later.

Maine may pa-meet and greet sa launching ng MAC cosmetics

Napaaga ang launch ng MAC cosmetics ni phenomenal star Maine Mendoza. Kahit nakabakasyon ang manager niyang si Rams David sa Los Angeles, California, hindi siya nakalimot sa request ng mga fans.

“Calling all MAC addicts. Get a chance to meet Maine Mendoza at the #MACLovesLips event tomorrow at SM Mall of Asia Atrium by following these steps: (1) Purchase any MAC product (no minimum amount required) from any MAC store dated July 26 (2) Be a part of the first 100 to present your receipt at the venue. (3) follow @maccosmeticsph on Instagram and enjoy!

Meanwhile, busy rin si Maine, after ng inu­magang taping ng Pamana, tumuloy naman siya sa GMA Network Studio 7, para naman sa taping ng Daig Kayo ng Lola Ko for Sunday, July 29 as Laura Patola.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with