^

Pang Movies

Robin at Piolo isang buwang titira sa Marawi

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Robin at Piolo isang buwang titira sa Marawi
Robin Padilla at Piolo Pascual

Isang buwang mananatili sina Robin Padilla at Piolo Pascual sa Marawi City para sa shooting nila ng pelikulang Marawi. Ito ang ipinarating sa amin ng isa sa staff ng Spring Films na producer ng pelikula.

Siyempre, kabado ang ilang namamahala sa movie dahil kahit sabihing tapos na ang giyera sa Marawi, baka may naka-amba pang panganib sa ilang lugar sa pro­binsiya pagdating sa land mines na naitanim doon ng mga bandido.

Eh, sina Binoe at Papa P. na rin ang nagdesisyon na tumira sa Marawi nang sa gayun eh maramdaman nila nang personal ang naging sentro ng labanan, huh!

Sa May 2019 ang balitang showing ng Marawi na si Bb. Joyce Bernal ang direktor.

Direk Brillante dinedma ang SONA

Pilit pa ring kinukuha ng ilang media ang side ni direk Brillante Mendoza nang malaglag siyang director ng 3rd State of the Nation Address (SONA) ni President Digong Duterte kahapon.

Dati-rati raw kasi, ang bilis ng reply ng award-winning director sa media kapag may mga tanong sa kanya, either through text o direct message sa kanyang Facebook, huh! This time, dedma na siya.

Ngayon, sa direksyon ni Bb. Joyce nakatutok ang mga kritiko sa showbiz at telebisyon. Di bale, natupad naman ang wish ni Bb. Bernal nang ma-meet nang personal si P-Digong bago ang SONA, huh!

Direk Jason may alas sa Bakwit Boys

Batid ni direk Jason Paul Laxamana ang stigma na hindi kinakagat ng manonood ang isang romantic-musical. Eh sa latest offering niyang Bakwit Boys na isa sa entries sa Pista ng Pelikulang Pilipino 2018, pang-attract nito ang i­lang original songs bukod sa kuwento nito.

Kampante naman ang director na kakagatin ng mga kabataan ang movie at mga kantang marinig lalo na ang mga kabataan ngayon.

Ang isa pang alas ng director, siya ng director ng pelikulang 100 Tula Para kay Stella sa entry sa PPP last year na umabot sa mahigit P100M ang kinita. Ang producer din nitong T-Rex Entertainment ay producer ng Patay na Si Hesus na number two sa ranking ng kumitang entries sa PPP 2017.

Bukod sa Bakwit Boys ang isa pang entry ni Laxa­mana ay ang The Day After Valentine’s na pinagbibidahan muli nina Bela Padilla at JC Santos.

vuukle comment

PIOLO PASCUAL

ROBIN PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with