^

Pang Movies

Khalil pumiyok sa pagiging silahis at sa relasyon nila ni Gabbi

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Khalil pumiyok sa pagiging silahis at sa relasyon nila ni Gabbi
Khalil Ramos

Pagkatapos na ma-experience ng Kapuso actor na si Kristoffer Martin ang mga malalaswang tanong sa kanyang Instagram Stories, ang latest na pinagpistahan naman ay ang singer-actor na si Khalil Ramos.

Sa kanyang pinost na Instagram story, tinanong siya ng isang netizen tungkol sa kanyang sexuality. Kung bisexual daw ba siya?

Marami kasi ang napabilib ni Khalil noong gumanap siya bilang isang kloseta or closeted gay sa 2016 coming-of-age indie film na 2 Cool 2 Be 4gotten.

Heto ang naging sagot ni Khalil sa bisexual issue:

“Been getting a lot of questions about my gender identity and some are quite offensive (not including the one above). To clear it out, I am straight. No BS. No showbiz. But I do support the fight for gender equality!”

Tinanong naman siya ng isang netizen kung meron ba siyang girlfriend?

Sagot niya ay: “Sikretong malupet, di pwedeng ibulong”.

Nali-link kasi ngayon si Khalil sa Kapuso actress na si Gabbi Garcia. Parati silang nakikitang magkasama sa mga event at si Khalil nga raw ang dahilan kung bakit nabuwag na ang loveteam ni Gabbi kay Ruru Madrid.

Wendell tuloy ang pagsisilbi sa simbahan linggu-linggo

Malamang ay marami ang hindi nakakaalam na taong-simbahan pala ang nagbabalik na Kapuso hunk na si Wendell Ramos.

Tuwing Sunday pala ay naglilingkod ito sa kanilang simbahan na siyang nakasanayan na niyang gawin noong bata pa lang daw siya.

Kaya nais niya na ang mga anak niya ay masundan ang ginagawa niya na­ pag-serve sa simbahan kahit na isang beses lang sa isang linggo.

“Pero hindi ko sila pine-pressure na ngayon na kaagad. It’s my way of giving thanks, giving back kay God na kaya nagse-serve ako, even on Sundays. That’s why I don’t work on Sundays,” sey pa ni Wendell.

Kasama nga si Wendell sa nalalapit nang ipalabas na teleserye na Onanay kung saan makakasama niya ang Superstar na si Ms. Nora Aunor.

Pitong taon din kasing nawala si Wendell sa GMA-7 kaya masaya siyang muling makatrabaho ang mga kasama sa cast ng Onanay.

Mga memorabilia at personal na gamit ni Robin Williams isusubasta na

For auction na ang mga artwork, memorabilia and personal possessions mula sa collection ng yumaong Hollywood actor na si Robin Williams.

Ang ex-wife ni Robin na si Marsha Garces ang nagbigay ng go signal sa auction house na Sotherby’s na ituloy na ang auction sa October 4, 2018 in New York. Part of the proceeds ng auction ay mapupunta sa ilang charitable organizations na tinutulungan ni Robin.

Ilan sa mga personal item ng aktor na kasama sa auction ay ang kanyang bicycles, wristwatches and Hollywood memorabilia, including Williams’ Hollywood Walk of Fame Award.

Kasama rin sa collection ay ang Hogwarts School robe worn by Daniel Radcliffe in the first Harry Potter movie na may estimated value na $10,000 to $15,000, and a Deborah Butterfield horse sculpture, “Madrone (Cody),” estimated at $220,000 to $280,000.

Gayun din ang autographed scripts, awards, props and wardrobe associated with projects kung saan nakilala si Robin tulad ng Mrs. Doubtfire, Good Morning Vietnam, Good Will Hunting and Dead Poet’s Society.

Pati na ang ilang furnitures at decorative items, including art by British graffiti artist Banksy, noong nagsasama pa ang aktor at Marsha.

Pumanaw ang aktor noong August 2014 sa edad na 63. Nag-suicide ito sa kanyang bahay sa Northern California na ikinagulat ng buong mundo.

vuukle comment

KHALIL RAMOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with