^

Pang Movies

Mga Pinoy mas gustong manood ng mahal na concert kesa manood ng murang sine

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Sa kabila ng malakas na ulan at matinding pagbaha, sinugod ng mga tao ang dalawang araw na concert ng dayuhang singer na si Celine Dion. Bukod sa mga nabanggit na namin, ang mga Pinoy ay umaangal din dahil sa mahirap na kabuhayan, ang pagtaas ng presyo ng bigas, at pagtaas ng pamasahe, pero aywan kung bakit para silang walang pakialam sa napakataas na presyo ng tickets sa concert na iyon.

Magaling na singer si Celine, walang duda iyon. Pero may mga local singers din naman tayong ka­sing galing din niya. Bakit iyong dayuhan ang bini­bigyan natin ng ganoong klase ng suporta?

Maliwanag iyan eh, lalabas ang pera ng Pinoy basta gusto nila ang panonoorin nila. Bagama’t totoo na ang unang binabawas nila sa gastos ay ang entertainment, pero pag gusto silang panoorin, naglalabas sila ng pera.

Sa ganitong panahon, maglabas ka ng isang pelikula ni Vic Sotto, o ni Vice Ganda, sigurado kikita pa rin. Kung may mga pelikulang nangangamote sa takilya sa kabila ng hakut-hakot na audience sa mga block screening nilang tinatawag, talagang ayaw ng tao na panoorin iyon. Baka ayaw ng mga tao sa mga bidang pelikulang iyon. Baka ayaw nila sa kuwento. Hindi mo masabi kung ano ang ayaw nila, pero basta ayaw nila ‘yun. Period.

Kung sana yung ibinayad nila sa concert ni Celine Dion ay ipinangpanood na lang nila ng sine, aba eh buong pamilya na iyon, may kasama pang dinner sa isang high class na restaurant. Puwede pang nakasakay sila sa isang rented limousine. Pero wala kang magawa eh, iyon ang gusto nila.

Mapapansin ninyo, pare-pareho naman silang nakapanood ng concert, pero pagkatapos noon ang pinagkukuwentuhan nila ay kung ano iyong napanood nila. Ganyan din ang mga nanonood ng sine noong araw. Pagkatapos na manood, pinagkukuwentuhan pa ulit ang kuwento. Pinag-uusapan pa ang pag-arte ng mga artista na pare-pareho naman nilang nakita. Kasi nagustuhan nila ang pinanood nila. Iyon lang iyon.

Donnalyn naghugas kamay

Ang binabanatan ngayon ng starlet na si Donnalyn Bartolome ay iyon mismong kumpanya na sumugal sa kanya at ginawa siyang bida sa isang pelikula. Kung kami ang producer, hindi namin gagawing bida ‘yang Donnalyn dahil blogger lang iyan eh.

Sinisisi niya ang Viva dahil pinaniwala raw sila na may suprise ending ang kanilang pelikula, eh wala naman, at sila ang binabatikos ng mga tao dahil sa pelikulang ginawa nila. In short napikon itong si Bartolome sa mga basher at ipinapasa niya ang sisi sa kanyang mga producer.

Kung ang pelikulang ginawa nila ay kumita at hindi ganyang flop, at bigla siyang naging star dahil sa ginawa niya, sisisihin pa kaya niya ang kanyang mga producer dahil hindi sinabi sa kanila ang magiging ending? Ow come on.

Tanggapin na lang ang katotohanan na baka hindi ka suwerte ngayon, baka naman next time ok.

Hindi maganda iyang pumalpak tapos nagsisisihan.

vuukle comment

CELINE DION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with