^

Pang Movies

Kris payag maging nanay ni Alden kesa maging ka-affair

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
Kris payag maging nanay ni Alden kesa maging ka-affair
Kris

Ipinagtanggol ni Kris Aquino ang mag-asawang Jason at Melai Francisco sa netizens na nagtatanong kung bakit wala man lang silang nakitang posts sa social media na dumipensa sa kanya.

 

Natatandaan pa ng netizens ang malaking tulong ni Kris kina Melai at Jason nu’ng panahong may Kris TV pa siya sa Chanel 2. Idinaan ng Digital Queen ang reply niya sa tanong ng netizens sa Instagram post ni Claudine Barretto na todo-tanggol sa kanya.

“People who defend you in your absence are the ones you should keep close to you! I luv u for being you, My Friend, My Family, my SISTER,” bahagi ng caption ni Claudine.

Nagsama sa pelikulang Sukob sina Kris at Claudine at ipinagmalaki ng TV host-actress na sila ang pelikula nila ang unang kumita ng P200M sa takilya, huh!

“That bond has remained. You didn’t have to do it you did. My undying gratitude,” parte ng reply ni Kris.

Tungkol kina Melai at Jason, ibinahagi ni Kris na nagpadala ng heartwarming message sa kanya si Melai sa pinagdaraanan niya at sapat na ‘yon para maramdaman niya ang pagmamahal sa kanya.

May bumira sa kanyang netizens na huwag gamitin si Alden (Richards) dahil para lang kay Maine Mendoza ang aktor. Hindi na raw sila bagay.

Sagot ni Kris, kung meron silang pelikulang pagsasamahan ni Alden, tungkol sa kuwento ‘yon ng mother and son at hindi May-December affair.

Past and present ni Robin nagkumustahan

Nagbigay-pugay si Ma­riel Padilla kay Sharon Cuneta nang dumaan ang una sa dressing room ng Me­gastar. Nakakatawa nga ang bahagi ng caption ni Sha­wie sa pic nila ni Mariel pero lubusan ang pasasalamat niya kay Mrs. Robin Padilla.

“Present and past; si misis at si muntik na pero ayaw ni Lord maging misis! Hahaha!

“Thank you @marieltpadilla for visiting me in my dressing room! You’re looking so great! Love to my Cocoy @robinhoodpadilla and a big kiss and a tight hug and lamutak to Isabella! God bless you and your family!” saad ni Sharon.

vuukle comment

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with