^

Pang Movies

Bela at JC hinuhulaang magkakatuluyan

Aster Amoyo - Pang-masa
Bela at JC hinuhulaang magkakatuluyan
Bela Padilla

MANILA, Philippines — Muling magkatambal sina Bela Padilla at JC Santos sa ikalawang taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na magsisimula sa susunod na buwan.

Nung isang taon ay nanguna sa takilya ang first team up nila na ang 100 Tula Para Kay Estela na dinirek ni Jason Paul Laxamana na siya ring director ng bago nilang movie na The Day After Valentine under Viva Films.

Sina Bela at JC ay parehong loveless ngayon. Hiwalay na si Bela sa kanyang longtime boyfriend, ang businessman-producer na si Neil Arce na nobyo na ngayon ni Angel Locsin. Recently naman ay nagkahiwalay sina JC at girlfriend nito of four years na si Teetin Villanueva.

Ano kaya’t ma-fall sa isa’t isa sina Bela (27) at JC (29)?

Samantala, bukod sa PPP entry na The Day After Valentine excited si Bela sa 2018 Metro Manila Film Festival entry ni Vice Ganda na Fantastica na ididirek ni Barry Gonzales for Star Cinema and Viva Films dahil ito ang first time na makakasama ni Bela si Vice sa movie na tatampukan din nina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes at iba pang loveteams ng Kapamilya Network.

Jennica at Alwyn seryoso na ang pagtira sa probinsiya

Seroyoso ang young couple na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco ang mag-relocate sa Siquijor at mamuhay doon ng simpleng buhay kasama ang dalawa nilang anak na babae na sina Athena Mori who turned three last July 17 at ang bagong silang na si Alisse na isinilang naman nung nakaraang June 25, 2018.

Si Jennica ay anak ng dating That’s Entertainment talents na sina Jean Garcia at Jigo Garcia. Although hindi na aktibo sa kanyang showbiz career si Jigo, si Jean ay nag-level up sa pagiging isang mahusay na actress kaya hindi ito nawawalan ng proyekto sa bakuran ng Kapuso Network.

Parehong hands-on couple sina Jennica at Alwyn sa kanilang dalawang anak na minumulat nila sa simpleng buhay.

Raymart walang urungan kay Juday

Matapos maging Kapuso ng maraming taon (14 years) kumpirmadong gagawa sa Kapamilya Network ng isang serye ang ex-husband ni Claudine Barretto na si Raymart Santiago dahil siya ang magiging leading man ni Judy Ann Santos sa bago nitong serye, ang Starla na tatampukan din nina Joel Torre, Meryll Soriano, Janus del Prado, Kathlyn Hermosa, Joem Bascon, Joel Saracho, Anna Luna, Simon Ibarra, Gabe Mercado at Bodjie Pascual na nakatakdang idirek ng Asintado director na si Onat Diaz.                                                                            

vuukle comment

BELA PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with