^

Pang Movies

Drama actress bumiyahe pa-Europe para makaganti sa actor na manloloko

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Wala palang pakialam ang drama actress na ito kung magkano ang gagastusin niya basta makapaghiganti lang siya sa taong nagawan siya ng mali.

Hindi raw kasi ang tipo ni drama actress ang palalagpasin ang taong pinahiya siya, lalo na’t ang pangalan pa niya ang nakataya.

Naloka lang naman ang friends ng drama actress na ito dahil bigla itong lumipad sa isang bansa sa Europe dahil may “unfinished business” daw siya sa isang aktor na pinaglaruan ang feelings niya.

Nalaman kasi ni drama actress na naka-check in sa isang mamahaling hotel sa naturang bansa ang aktor at kasama ang babaeng pinagpalit sa kanya.

Pinaikut-ikot lang daw kasi ni aktor si drama actress.

Binola-bola lang daw siya nito para lang pala magamit siya sa kung anong publicity nito.

Nung hulog na siya rito, bigla na raw itong hindi na nagpaparamdam sa kanya at nalaman na niyang pinagpalit siya sa ibang girl.

Di nakapag-eksena si drama actress dahil biglang nawala ang aktor at gumawa ito ng paraan para ma-hunt down ito dahil may balak siyang gawin dito.

Pero dahil may mga fans and followers si drama actress sa kung saan-saang bansa dahil sa social media presence niya, may nakapagsabi sa kanya na nakita nito ang aktor sa isang sosyal na hotel sa ilalim ng ibang name.

Nung ma-confirm ni drama actress na ang aktor nga ito, agad-agad daw na lumipad ito na walang paalam sa mga friends at pamilya niya.

Kahit ba may trabaho siya, nag-leave muna siya dahil importanteng magawa niya ang nararapat sa aktor na ginamit at niloko siya.

Sa pagbalik ng drama actress after one week, atat ang mga friends na malaman ang ginawa nito sa aktor.

Simpleng sagot lang ni drama actress ay “Binigyan ko lang naman siya ng mag-asawang sampal at binayagan ko siya sa mismong lobby ng hotel!”

Sabay palakpakan ang mga friends sa bonggang eksena ni drama actress sa ibang bansa.

Carrot Man susubukan ang suwerte sa PBB

Pagkatapos na maging viral sensation noong 2016, muling nagpaparamdam ang nakilala na si Jeyrick Sigmaton a.k.a. Carrot Man dahil sa nais nitong makapasok sa Bahay ni Kuya ng Pinoy Big Brother sa ABS-CBN.

“Inaasahan ko pong makapasok sa Bahay ni Kuya kasi ang daming na­ngangarap na pumasok doon.

“Lucky ako pag nakapasok ako doon. Kakayanin ko ‘to dahil sa sarili ko din at sa pamilya ko at sa mga taong sumusuporta sa akin.

“Pinakamahirap po yung mahiwalay ka sa pamilya, makapag-adjust na kahit nag-iisa ka, mabuhay na mag-isa ka, ganun po,” sey pa ni Jeyrick na may pangarap na makapagpatayo ng sarili niyang bahay.

Two year ngang nawala sa sirkulasyon si Carrot Man dahil naging abala ito sa kanyang pag-aaral sa Baguio City.

Kylie Jenner pinagtanggol ni Paris Hilton

Pinagtanggol ng celebrity socialite na si Paris Hilton ang pagiging cover ng reality star at make-up mogul na si Kylie Jenner ng Forbes magazine at tinawag pa itong self-made billionaire.

Sa interview sa 37-year old heiress ng Hilton fortune ng TMZ, agree ito sa paglarawan kay Jenner na isa itong self-made billionaire.

“She’s a girl boss… she’s killing it, obviously,” ngiti pa ni Paris.

Tulad ni Jenner, self-made rin ang naging fortune ni Paris noong magkaroon ito ng pangalan during the early 2000s dahil sa reality show na The Simple Life kung saan kasama niya si Nicole Richie.

Umere ang The Simple Life from 2003 hanggang 2007.

Bago pa nakilala ang mga Kardashians, si Paris ang namamayagpag sa reality show department at doon na nagsimula na kunin for endorsements ng perfumes, fashion and other lifestyle products including a video game, called Paris Hilton’s Diamond Quest, kahit na scandalous ang ilang mga short-lived romances niya.

Noong ma-feature si Paris sa GQ magazine noong 2014, tinawag siya na isang “trailblazing celebrity who made it possible to be famous for doing nothing and opened the door for others with recognizable names — like the Kardashians and their like — to make money by merely showing up to a club.”

Matatawag din si Paris na isang girl boss dahil nagkaroon siya ng sarili niyang line of luxurious handbags, accessories at shoes. Nagkaroon din siya ng tatlong coffee table books: Confession of an Heiress, Heiress Diary and Paris Hilton Journal.

Noong 2006, napasama rin si Paris sa Forbes Top 100 celebrities at number 56.

vuukle comment

JEYRICK SIGMATON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with