^

Pang Movies

Empoy at Zanjoe ayaw umamin sa lovelife

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Empoy at Zanjoe ayaw umamin sa lovelife
Empoy Marquez at Zanjoe Marudo

Sure raw si Empoy Marquez na walang namagitan sa kanila ng kanyang leading lady na si Shy Carlos sa pelikula nilang The Barker.

Tikom din ang kanyang bibig kapag tinatanong namin kung nagkaroon na ba siya ng girlfriend.

Ganun din ang reaksyon ng kanyang co-star sa pelikula niyang Kusina Kings na si Zanjoe Marudo pagdating sa tanong na kinalimutan niya na ba ng tuluyan ang kanyang ex girlfriend na si Bea Alonzo dahil sa kanyang new found love na surfer-blogger na si Josie Prendergast.

Samantala, ang Kusina Kings ang nagsisilbing pangalawang pelikula ni direk Victor Villanueva, ang kanyang ­unang pelikula ay Patay na si Jesus na pinagbidahan ni Jaclyn Jose kung saan nakagawa siya ng ingay dahil sa kakaibang humor ng nasabing pelikula.

Inaamin ni direk Victor na malayung-malayo raw siya sa pagi­ging kuwela kaya natuwa raw siya ng suwertihin siya sa mga scripts na may humor at love directing.

Tiyak raw na hindi lang mabubusog ang tiyan ng mga manonood sa katatawa kung hindi pati na rin sa mga pagkaing ihahanda nila sa Kusina Kings, kaya raw mas lalo itong dapat abangan.

A production of ABS-CBN Films and Star Cinema, pagbibidahan ito nina Empoy Marquez at Zanjoe Marudo at tatampukan naman nina Nathalie Hart, Maxine Medina, Ryan Bang, Tiny Corpuz, Jun Sabayton, Joma Laba­yen, Hyubs Azarcon at Nonong Balinan.

Dating beauty queen-actress, nagsisising hindi nagpabuntis sa dating mister!

Gaano kaya katotoo na sising alipin ngayon ang isang da­ting beauty queen-actress dahil sinunod niya ang suhestiyon ng dating asawa na non-showbiz na huwag silang magkaanak? Ni hindi nga raw niya naisipang itanong kung bakit.

Ngayong hiwalay na sila at nakahanap na rin siya ng bagong pag-ibig, too late na tuloy para mangarap siyang mabuntis at magkaanak ngayong nasa edad na siya na 40s.

Sayang nga raw dahil willing na ang kanyang bagong pag-ibig na magkaanak sila ng kahit ilan. Mukha rin naman daw itong magiging mabuting ama.

Clue: back to being busy siya with her showbiz career.

Sec. Lambino maganda ang credentials

Alam mo ba Salve A., na ang current Assistant Secretary of the Department of Finance na si Tony Lambino ay dati palang singer in his younger years noong 90’s?

Dati siyang miyembro ng sikat na grupong Smokey Mountain kasama sina Geneva Cruz at Jeffrey Hidalgo.

Ang ganda ng credentials nitong si Sec. Lambino, nagtapos siya ng AB In Communications sa Ateneo de Manila University bilang Cum Laude at nag-aral din siya sa ibang bansa.

Nakapagtrabaho na rin siya sa World Bank Ins­titute bilang isang Governance Specialist. Nagsilbi rin siya sa Ayala Corporation bilang Head of Public Policy.

Now in his 40’s, kasal si Tony kay Tish Panga­niban na isa ring achiever.

Alma ayaw pang payagan magpakasal si Winwyn

Ayaw magbigay ng komento ni Alma Moreno tungkol sa napapabalitang hiling ni Mark Herras na magpakasal na sila ni Winwyn Marquez, ang unica hija nila ni Joey Marquez.

Si Mark ngayon ay 32 years old na habang si Winwyn naman ay 26 pa lamang.

“Basta ang pangaral ko kay Win, to make the most sa pagiging dalaga muna. And, of course, sa kanyang showbiz career,” Ani Alma.

18 years old lang si Alma noon nang maging ina siya sa kanyang panganay kay Rudy Fernandez, si Mark Anthony Fernandez.

Si Winwyn o Teresita Ssen sa totoong buhay na isang beauty queen ang kauna-unahang Reina Hispanoamericana Filipinas sa Miss World Philippines 2017 Pageant.

vuukle comment

EMPOY MARQUEZ

ZANJOE MARUDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with