^

Pang Movies

Alexander hindi makatingin ng diretso kay Heart

Joe Barrameda - Pang-masa
Alexander hindi makatingin ng diretso kay Heart
Heart Evangelista at Alexander Lee

MANILA, Philippines — Isang taon na ang nakalipas mula nang magbida si Alexander Lee bilang Jun Ho sa My Korean Jagiya, at binalikan niya ang magagandang alaala niya sa serye kasama si Heart Evangelista. Punong-puno ng pasasalamat ang puso ni Alexander dahil naramdaman niya ang pagmamahal ng mga Pinoy dahil sa serye na ito. Pag-amin pa nito, tiklop daw talaga siya sa set noong mga unang araw ng taping, “A small confession: I could remember how shy and awkward I was when I first met Heart, to the point that I couldn’t look straight at her eyes during the photo shoot. But now I could talk about anything and everything with Gia.” Dahil din sa serye kaya maraming nag-aabang ngayon sa pagbabalik niya sa telebisyon mula nang malamang bumalik siya sa Pinas. Excited din silang marinig nang buo ang ipinatikim niyang kanta na Keep Ya Head Up na ipinakita niya sa Instagram kamakailan.

Maine parami nang parami pa rin ang followers

Umaabot na sa mahigit 100,000 ang views ng Daig Kayo Ng Lola Ko episode ni Dubsmash queen at Eat Bulaga superstar na si Maine Mendoza kung saan gumaganap siya bilang si Laura Patola. Kaya patuloy pa rin tumataas ang views ng viral videos sa Youtube. Lalo na nitong nakaraang Linggo nadagdagan na naman ang views nito.

Bagong serye bigatin ang cast

Maraming na-excite nang i-post sa social media ang litrato ng cast ng bagong serye ng GMA Network na Pamilya Roces. Bigating mga artista kasi ang kasama sa cast gaya nina Carla Abellana, Winwyn Marquez, Gabbi Garcia, Shaira Diaz, Mika dela Cruz, Rocco Nacino, Christian Bautista at ang veteran actors na sina Roi Vinzon, Snooky Serna, Elizabeth Oropesa at Gloria Diaz. Gumawa rin ng ingay si Jasmine Curtis Smith dahil ito ang magi­ging una niyang proyekto sa GMA mula nang pumirma ito ng kontrata sa Network. Mas kasasabikan din ang serye dahil ang batikang direktor na si Joel Lamangan ang magdi-direk ng program. Behave kayo. Alam na ninyo ha.

vuukle comment

ALEXANDER LEE

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with