^

Pang Movies

Female celebrity obsessed na sa pagpaparetoke!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Hindi na makilala

Hindi nga raw nakilala ng veteran actress na ito ang isang female celebrity dahil ibang-iba na raw ang mukha nito.

Nakatrabaho kasi ng veteran actress ang female celeb ng dalawang beses sa dalawang teleserye. Kaya laking gulat niya noong magkaharap daw sila ay hindi niya nakilala ito.

“Story conference yata iyon. There was this girl looking at me at ngumiti siya.

“Hindi ko siya ma-recall or baka malabo lang ang mga mata ko. Ngumiti rin ako para naman hindi siya mapahiya. Pero sa totoo lang, I can’t remember kung sino siya.…

“Bago nag-start ‘yung storycon, lumapit siya sa akin at bumeso. She said pa nga, ‘Kumusta na po?’

“I took a good look at her. Hindi ko siya talaga maalala. Hanggang sa may tumawag ng name niya. Napa-OMG ako kasi hindi na siya ‘yung dating girl na nakasama ko ng dalawang beses.

“Para hindi ako mapahiya, sinuot ko ang glasses ko para kunwari, malabo ang mata ko. Dun ko na siya tinawag sa name niya. I apologized kiyeme na medyo malabo na eyesight ko kaya di ko siya makilala agad,” kuwento pa ni veteran actress.

Ang laki raw kasi nang pagbabago sa mukha ni female celeb kaya kahit sino naman daw ay hindi na siya makikilala.

“Well kung ‘yung ang magiging happiness niya, ‘di ba? To each his own.

“Pero sana hindi siya masyadong nagpa-overhaul kasi maganda na siya noon pa.

“I guess, when you’re obsessed to really look different, then you must accept what other people will say about it. Many people will never understand why she did that to herself,” pagtapos pa ni veteran actress na maganda pa rin kahit na never ito dumaan sa anumang cosmetic surgery.

Barbie at Jak hindi na takot ilantad ang isang taong relasyon

Wala na ngang pagtangging ginawa si Barbie Forteza dahil inamin na nitong nakaisang taon na ang relasyon nila ng Kapuso actor at Pambansang Abs na si Jak Roberto.

Unang nagkasama sa teleserye na Meant To Be sina Barbie at Jak or JakBie noong 2017.

Nagkuwento nga si Barbie kung paano ang naging style ni Jak na panliligaw.

“Inuna niya pong ligawan ‘yung mga magulang ko na parang sa panahon ngayon text text na lang,” sey ni Barbie.

Nagustuhan naman daw ni Jak kay Barbie ay ang masayahing personality nito.

“Napakaganda ng personality niya. Kumbaga, walang problema sa kanya, ang bilis niyang kausap, ang bilis niyang pakisamahan, and mapagmahal siyang tao,” sey ni Jak.

Inamin din ni Barbie na naging maingat sila ni Jak sa pag-post ng mga litrato nilang dalawa sa social media. Iniiwasan daw nila ang mga bashers at haters.

Pero ngayon, confident na sila sa kanilang one-year relationship at hanggang sa YouTube video ni Barbie ay pinapakita na nila ang pagiging sweet nila sa isa’t isa.

Magandang senyales na tanggap ng mga fans ang tambalang JakBie in real life.

Taylor Swift bumalik sa kinalakihang bahay

Nag-throwback ang popstar na si Taylor Swift nang bumalik siya sa kanyang hometown in Reading, Pennsylvania.

Binalikan ni Taylor ang mga lugar na pinaglalaruan niya noong bata pa lang siya.

Isang photo na pinost ng singer sa IG account niya ay nasa same location siya kung saan madalas siyang maglaro. Nilagyan niya ito ng caption na “Take me home”.

Hindi ikinakahiya ni Taylor na lumaki siya sa farm kasama ang kanyang kapatid na si Austin Swift sa Pennsylvania. Nataon pa na kasama sa kanyang Reputation Stadium Tour ang kanyang hometown kaya bumalik sa singer ang maraming childhood memories.

Kasalukuyang nasa New York City ulit si Taylor at nagpapahinga para sa next leg ng kanyang tour.

Pinost niya sa IG ang pagsasama nila ng kanyang mga girl friends na sina Gigi Hadid, Martha Hunt at Este Haim sa kanyang NYC apartment.

Bilang suporta ng supermodel na si Gigi kay Taylor, sinuot nito ang tour merchandise ni Taylor na sweatshirt with snake design.

Sa gitna ng kanyang hectic sked, nagawa pa ni Taylor na makasama ang kanyang boyfriend na si Joe Alwyn noong 4th of July sa isang exclusive resort sa Turks & Caicos.

vuukle comment

TAYLOR SWIFT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with