Jake makaka-duet ni Celine!
Makaka-duet nga ba ni Jake Zyrus si Celine Dion (ulit) sa concert nito sa bansa?
Isang dekada na pala since maka-duet ni Jake, na noon ay kilala pa bilang Charice Pempengco, si Celine Dion sa Madison Square Garden sa New York.
Ngayon na magpe-perform for the first time sa Manila si Celine sa Mall of Asia Arena, maraming nagtatanong kung mauulit ang duet nila ni Charice (Jake Zyrus) onstage sa July 19 and 20.
Ano nga ba? May chance ba?
Maaalang ang TV host na si Oprah Winfrey ang nag-recommend kay Charice na maka-duet ni Celine Dion sa concert ng international diva na Taking Chances World Tour, noong 2008, kung saan ipinakilala ni Celine na “incredible young singer.”
“Let me tell you, she has a voice that can literally blow the roof off Madison Sqaure Garden,” sabi ni Celine noon sa kanyang mga fans.
Nag-duet sila ng Because You Loved Me at nag-standing ovation ang crowd.
Sa nalalapit na two-night concert ni Celine maulit kaya ang pagdu-duet nila?
Ang sabi ng maka-Charice, pwedeng-pwede silang mag-duet ng The Prayer kung saan si Jake ang kakanta ng part ni Andrea Bocelli.
Samantalang, kakatapos lang ni Jake ng concert tour sa UK (London, Newcastle at Birmingham) at Ireland (Dublin). Sa last quarter ng 2018, mayroon namang concert tour ulit sa US si Jake.
- Latest