^

Pang Movies

Inday… ni Barbie aprub na aprub sa mga big boss

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Inday� ni Barbie aprub na aprub sa mga big boss

Maganda ang dating sa home viewers ng TV series sa GMA 7 na Inday Will Always Love You dahil comedy drama ang tema at malakas ang hatak ng tambalan nina Barbie Forteza at Derrick Monasterio.

Kitang-kita ang likas na pagkakomedyante ni Barbie at talaga namang subok na ang galing niya sa pag-arte.

Nagsisimula pa lamang sa TV ang nasabing serye pero nagpapalakpakan na ang mga grupo ng mga people behind the scene dahil sinasaluduhan na sila ng mga nakakataas (big boss) at magaganda ang mga komento dahil high ang ratings agad ang nasabing series.

Sa bagay, talaga namang may hugot. Bagay na bagay ang role ni Gladys Reyes pagdating sa pagkokontrabida. Knows natin na the best siya. Ganun din si tupe (Christopher Roxas), siya ang super bait na husband ni Gladys in real life. Natutuwa ang mga fans nilang mag-asawa at magkasama sila ngayon sa isang serye. Tampok din sina Manilyn Reynes, Ricky Davao, Super Tekla at iba pa.

Niño napapakinabangan pa rin ang pera mula sa pagiging child star

Ibang-iba ngayon ang mga artista kaysa dun sa mga nauna nang nag-showbiz.

Ilan lang noon ang mga artistang nagsinop sa kanilang mga kinikita. Hindi lahat ng parents nila ay ang nagha-handle ng kita para hindi mapunta sa walang kapararakan ang mga pinaghirapan nila.

Ilan lang ang mga ito, at ang big winner diyan ay ang binansagang Wonder Child na si Niño Muhlach. Sikat na sikat si Niño, ang daming pelikulang ginawa, hindi lamang sa sariling movie production na Wonder Films kung saan ang mga producer ay ang daddy niya, si Alex Muhlach at ang kanyang tito na si Cheng Muhlach. Then lumalabas pa siya sa iba’t ibang movie outfit.

Naging favorite child actor rin siya ng yumaong Fernando Poe Jr. (FPJ).

Sa dami ng pera ni Niño, ipinagpatayo siya ng daddy niya ng malaking mansyon cum business na bake shop, pinaupahan ang ibang space sa ground floor at ang second floor, ang 3rd floor naman ang nagsilbing residensya ng pamilya nila.

O, how many years na ang nakalipas nandiyan pa rin ang bake shop na famous sa Enseymada na hindi mo ngunguyain pag isinaksak mo sa bibig mo, kusang natutunaw e, super sa sarap!

Sa ngayon sitting pretty na si Niño, pero hindi siya sanay ng walang ginagawa kaya, siya na mismo ang nagsu-supervise ng enseymada restaurant niya at sa iba pang mga negosyo na naipundar niya with his father Alex. Aside from that magkatuwang din sa pag-aalaga ang mag amang Niño at Alex sa child actor na si Alfonso Muhlach na anak ng una.

Super Tekla at Willy nagkaayos na

Para raw nabunutan ng malaking tinik sa lalamunan si Super Tekla ng magkabati na sila ni Kuya Will (Willy Revillame), ang sikat na TV host ng show na Wowowin. Matagal din ang gap nila, nagkikita sila pero hindi naman nagpapansinan. Iniiyakan pala ni Tekla ang hindi pagkibo sa kanya ni Kuya Will. Gabi-gabi nagdadasal siya na sana batiin na siya at patawarin sa kasalanan na nagawa niya na ayaw na niyang i-elaborate pa. Kaya super happy siya ng siya ay ngitian ng mga bituin at natupad na ang dinadasal-dasal niya, hudyat na napatawad na siya ni Kuya Will, ang taong nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makilala siya sa larangan ng telebisyon at sa pagi­ging Super Tekla. Umiyak pa rin siya, pero iyak na ng kaligayahan!

vuukle comment

BARBIE FORTEZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with