^

Pang Movies

Kathryn at Daniel maiinit ang halikan sa bagong pelikula

Aster Amoyo - Pang-masa
Kathryn at Daniel maiinit ang halikan sa bagong pelikula

MANILA, Philippines — Although nagkasama sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa pelikulang 24/7 In Love at Sisterakas in 2012, masasabing solo movies nila ang Must Be Love at Pagpag ng Regal Films nung 2013. Ito’y nasundan ng She’s Dating the Gangster in 2014, Crazy Beautiful You in 2015, Barcelona: A Love Untold in 2016 at Can’t Help Falling In Love in 2017 all under Star Cinema.

Kasalukuyang tinatapos ng magka-loveteam (of six years) at magkasintahang Kathryn at Daniel ang bago nilang pelikula under Star Cinema, ang The Hows of Us na pinamamahalaan ng box office director na si Cathy Garcia-Molina. Malamang na ito na rin ang last movie ni Direk Cathy who plans to retire from directing para naman tutukan ang kanyang personal na buhay lalo na ang kanyang mga anak.

Kung may kissing scene sina Kathryn at Daniel sa Barcelona, tiyak daw na masa-shock ang mga manonood kapag napanood nila ang latest movie ng dalawa kung saan may passionate kissing scenes ang magkasintahan.

Sunshine masusubukan kung papatok sa Kapuso

Simula ngayong Lunes, bago mag-Eat Bulaga ay mapapanood na ang pinakabagong morning TV series ng Kapuso Network, ang Kapag Nahati ang Puso na tinatampukan nina Bea Binene, Sunshine Cruz, Benjamin Alves, Zoren Legaspi at Bing Loyzaga mula sa pamamahala ni Gil Tejada, Jr.

Ang Kapag Nahati ang Puso ay first TV series ni Sunshine sa Kapuso Network matapos itong gumawa ng sunud-sunod na serye sa bakuran ng Kapamilya Network na ang pinakahuli ay ang hit afternoon TV series na Wildflower na pinagbidahan ni Maja Salvador.

Sa full trailer na aming napanood, maganda ang takbo ng istorya ng serye at parang hindi rin nagpakabog si Bea sa mga veteran actors na kanyang kasama.

Princess lalaki ulit ang anak

Nakapag-silang na last July 11 (Wednesday) ganap na ika-9:40 a.m. ang acoustic singer-entrepreneur na si Princess Velasco sa second child nila ng kanyang doctor husband na si Mark Herbert Rosario.

Baby boy muli ang second baby ng mag-asawang Mark at Princess na pinangalanan nilang Milo Rosario.

Bukod sa pagiging isang mang-aawit, bina-balanse ni Princess ang kanyang role bilang wife, mother (of two) at pagiging isang negosyante.

Princess co-owns a restaurant at dalawang nail salon at meron din siyang ibang business kung saan business partners niya ang mag-asawang Chynna Ortaleza at Kean Cipriano.

Princess appears on ASAP on a semi-regular basis.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

KATHRYN BERNARDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with