^

Pang Movies

Baron tatlong buwan pa sa rehab

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa

Itinanggi ni Baron Geisler ang balita sa DZRH na lalabas na siya sa rehabilitation center.

Nag-tweet si Baron kahapon at tinawag ang pansin ng news item kasabay ng kanyang pagtanggi.

“Not true. Three months pa po,” ang tweet ng aktor.

Matatandaang pumasok sa rehab si Baron last March ayon na rin sa kanyang Facebook post in the same month.

“I am going into rehab, and take this very seriously this time. I am sorry to all whom I’ve hurt or offended. I will be better, and I will see you all again and work with you, when I am ready,” ang post niya last March.

Ito ay matapos ang away nila ng bayaw kung saan ay matatandaang naaresto pa siya for threatening to kill his brother in law.

We just wish na sana’y totohanin na ni Baron ang pagbabago paglabas niya dahil hindi na rin naman siya bumabata.

Kim ‘di pa rin makapag-‘I Love You’ kay Xi

Birthday ni Xian Lim kahapon at siyempre, hindi pwedeng walang pagbati mula sa kanyang rumored girlfriend at dating ka-loveteam na si Miss Chinita Princess Kim Chiu. At ang agang bumati ni Kim, in fairness!

Nag-post ang aktres ng larawan nila ni Xian sa Instagram account niya at sa caption ay ang kanyang matamis na birthday greetings.

‘Yun nga lang, may nakapansin na hanggang ngayon ay hindi pa makapag-I love you si Kim kay Xian kahit gaano pa ka-sweet ang message niya.

Pero sumagot naman ang ilang netizens na hindi na raw kailangan pang i-post ni Kim ang nasabing three magical words dahil kay Xian na niya ito mismo personal na sinasabi.

Mikael at Sef hindi gumagamit ng stunt men

We learned na hindi pala gumagamit ng stunt men sina Mikael Daez at Sef Cadayona sa kanilang mga fight scenes sa The Stepdaughters at sila talaga ang gumagawa ng mga mabibigat na eksena.

Kahit babad sa suntukan at paminsan ay tinututukan pa ng baril ang kanilang mga karakter na sina Francis at Bryce, ayos lang ito para sa kanila. What they do ay nagre-rehearse na lang daw sila ng mga scenes bago kunan.

Kaya naman ang lakas makadagdag ng pogi points ang dedikasyong ito ng dalawang aktor sa kanilang trabaho.

vuukle comment

BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with