^

Pang Movies

Aga hindi nagbibigay ng lagay sa mga natanggap na awards

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Aga hindi nagbibigay ng lagay sa mga natanggap na awards

Sayang, hindi nakarating si Aga Muhlach para tanggapin ang kanyang best actor award sa katatapos na 2nd Eddys Awards.

Kung nakarating si Aga, aba hindi lamang siya best actor, siya rin ang star sa line up ng winners dahil sa totoo lang siya ang lalabas na pinaka-sikat sa kanila. Kami nga aaminin namin, ni hindi namin kilala iyong best actress, kasi nga hindi naman kami nanonood ng indie. Eh ang daming taong hindi rin naman nakakapanood ng indie, papaano siya makikilala ng mara­ming manonood.

Ang alam namin may ginagawang pelikula na sa abroad ang shooting kaya wala si Aga. Hindi lang namin alam kung nakabalik na. Noong Nominees Night ng Eddys ay nagpunta siya, in fact sinasabi ngang siya pa ang kauna-unahang dumating. Sa­yang dahil natanggap niya ang kanyang nomination pero hindi niya personal na natanggap ang award talaga.

Napanood namin ang pelikulang iyan ni Aga nang ilabas nang ilang ulit sa isang cable channel. Masasabi mo nga na sa pelikulang iyon ay isa lamang si Aga sa mga bida. In fact, ang role niya ay hindi masasabing siyang pinaka mabigat sa lahat ng mga bida sa pelikula, pero maliwanag naman na sa lahat sa kanila siya ang nagbigay ng pinaka-mahusay na performance.

Ang best actor award, hindi naman sa haba ng performance o kakaibang role ang basehan. Iyan ay depende sa performance na ibinigay ng isang actor, sabihin mo mang maikli lamang ang kanyang role. Ang maganda pa nga riyan, aba eh nanalo si Aga sa isang malinis na award. Wala kang maririnig na kampanyahan sa Eddys. Wala ka ring maririnig na lagayan. Wala kang maririnig na ang mga winners nag-sponsor ng trip abroad sa mga juror. Malinis na award iyan. Kaya nga sinasabing basta nanalo ka na sa Eddys, aba eh para ka na ring nanalo ng grandslam. Bakit hindi? eh lalabas na nasingitan ka lang naman doon sa mga awards na may lagayan.

Naalala nga namin, noong ­unang manalo ng isang ac­ting award si Aga, iyon ay sa isang peli­kulang ang director ay si Lino Brocka. Pero ang usapan noon, “aba eh hindi maglalagay si Aga para manalo. Alalahanin ninyo ku­ri­pot si Cheng.” Maaaring nakakatawa, pero hindi maglalagay si Aga o ang tatay niyang si Cheng Muhlach noon para lang manalo ng award. Kaya si Aga, lahat ng naging panalo niyang, dahil sa merits mismo ng kanyang acting. Hindi naman siya iyong naghahabol ng awards dahil ang mahalaga, anumang role ang ipagawa sa kanya ay nabibigyan niya nang mahusay na performance. 

Hindi kami makapag-comment sa ibang nanalo sa Eddys, dahil hindi nga namin napanood ang mga pelikulang iyon. Sabihin na ninyo kung ano ang gusto ninyong sabihin, pero siguro noong mga panahong palabas ang mga pelikulang kinilala ay nanonood kami ng mga pelikulang Ingles, o nanonood na lang ng telebisyon.

Aba eh bakit hindi, kung manonood noong mga seryeng kagaya ng Encantadia at saka Bagani sa ngayon, aba eh alam mong pinagkakagastahan ang mga seryeng iyan, kilala mo pa ang artista. Nagbabayad ako sa sine eh. Hindi naman kami nanonood nang libre lang.

Doon na lang kami sa masisiyahan talaga kami kahit na magbayad man kami nang mahal, o kaya sa TV na lang.

vuukle comment

AGA MUHLACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with