^

Pang Movies

PPP entries kumpletos rekados!

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa
PPP entries kumpletos rekados!

Hindi man nakapasa ang isumiteng movie ni Vhong Navarro na Mang Kepweng Returns sa Metro Manila Film Festival, pasok naman ang pelikula niyang Unli Life sa eight official entries ng Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) na matutunghayan simula August 14 hanggang August 21, huh!

Bukod sa pelikula ni Vhong, ang iba pang entries na inanunsyo ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Diño-Esguerra sa launching nito kahapon ay ang Ang Babaeng Allergic sa Wi-Fi nina Sue Ramirez at Jameson Blake; Bakwit Boys na pinabibidahan nina Vance Larena, Nikko Natividad, Ryle Santiago at Mackie Empuerto; Madilim Ang Gabi nina Gina Alajar, Philip Salvador at Felix Rocco.

Kabilang din sa listahan ang movie na Pinay Beauty nina Chai Fonacier at Edgar Allan Guzman; Signal Rock nina Christian Bables, Francis Magundayao, Elora Espano at Mon Confiado; The Day After Valentine’s nina Bella Padilla at JC Santos; We Will Not Die Tonight nina Alex Medina at Erich Gonzales.

Ang members ng Selection Committee na pumili sa entries ay sina direk Joey Reyes, film editor Manet Dayrit, drector Sheron Dayoc, cinemato­grapher Lee Briones, director Carlos Siguion-Reyna at Cherie Gil.

Bukod sa walong entries, may Special Feature Section na mapapanood sa selected cinemas at short films para sa Sine Kabataan Short Film Competition.

Pagdating sa pag-champion sa local films, wala talagang kapaguran si Chair Diño, huh!

Alden nag-abroad para sa Victor

Kumpirmadong nasa ibang bansa ang cast, production staff and crew ng coming series ni Alden Richards na Victor Magtanggol. Saka na lang naming ibabalita kung saang bansa nag-taping ang said series.

Samantala, sure nang ang VM ang isa sa paya­nig na programa ng Kapuso Network this month. Para sa nagtatanong kung sinu-sino pa ang kabilang sa cast gaya nina Coney Reyes at child wonder na si Pao Pao, sinabi sa amin na join din sa cast sina John Estrada, Eric Quizon, Maritoni Fernandez, Kristoffer Martin,  Pancho Magno, Chynna Ortaleza at iba pa.

Siyempre, wait muna namin ang go signal kung puwede nang ilabas ang actresses na makakasama ni Alden kahit na nga naglabasan na sa social media kung sino sila, huh!

Abangers na lang mga guys dahil malapit nang sumambulat sa ere ang powers ni Victor Magtanggol, huh!

vuukle comment

PPP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with