^

Pang Movies

David inilantad na ang lihim na relasyon sa Kapamilya actress

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
David inilantad na ang lihim na relasyon sa Kapamilya actress
David Licauco

Single ngayon ang Kapuso hunk na si David Licauco dahil nagtapos na raw ang relasyon nila ng kanyang girlfriend na isang Kapamilya actress.

Ayaw banggitin ni David kung sino ang aktres na ito dahil meron daw itong ka-loveteam. Iyon daw ang dahilan kung bakit hindi puwedeng mag-work ang relasyon nila.

Bukod pa roon ay magkaiba pa raw sila ng network na pinagtatrabahuhan.

Ayon kay David, matagal nilang sinikreto ang relasyon nila para hindi sila ma-bash ng mga fans ng ka-loveteam ng aktres.

“Siyempre, at the time, hindi pa ako artista, hindi pa marunong i-handle. Mahirap din ‘yung tinago namin ang lahat.

“Sobrang umiyak ako nun. Pero siyempre once na-accept mo naman na yung fact kung bakit, okey ka na.

“Meron akong nakitang quote, sabi, ‘It’s not about moving on, it’s about acceptance.’” emote pa ni David na tinapos na ang relasyon sa naturang aktres noong nakaraang taon.

Sa ngayon ay wala raw munang nililigawan si David at nakatutok siya sa kanyang career. Kasama siya sa cast ng GMA-7 teleserye na Kapag Nahati Ang Puso kunsaan makakasama niya sina Bea Binene, Sunshine Cruz, Bing Loyzaga, Benjamin Alves at Zoren Legaspi.

Margie Moran, nag-throwback sa pagiging Miss Universe

Nakita at muling nakilala ng mga millennial ang ganda ni Miss Universe 1973 Margie Moran nang i-post ng Miss Universe ang throwback photo nito sa kanilang Instagram account.

Si Margie or Margarita Moran ang second Filipina na manalo ng Miss Universe crown na ginanap sa Athens, Greece in 1973. Ito rin ang taon na ginawa ang Miss Universe sa labas ng U.S. 19 years old lang si Margie noong manalo siya.

Bukod sa Miss Universe crown, nakuha rin ni Margie ang Miss Photogenic award.

Sa black and white photo ni Margie na kinunan after ng kanyang coronation, makikitang ini-interview siya ng foreign press.

Nakakuha ng higit sa 47,000 likes at 435 comments ang naturang photo at kabilang sa mga nag-comment dito ay sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray at ilang pageant fans.

Meghan Markle milyun-milyon na ang nagastos sa outfit

May worth na $1 million o mahigit 50 million pesos na ang mga nasuot na wardrobe ni Duchess of Sussex Meghan Markle!

Ito ang estimate ng mga netizens na inaabangan ang mga sinusuot ng former actress na ngayon ay parte na ng Royal Family.

Simula pa raw noong engagement ni Meghan kay Prince Harry hanggang sa kasalukuyang mga official occasions na dinadaluhan ng dalawa, umabot na raw sa milyon ang mga damit, accessories at shows ng duchess ayon sa royal expert na si Katie Nicholl.

Ang wedding dress na lang daw ni Meghan na gawa ng Givenchy ay may tag price na $440,000 at ang sinuot niya sa reception na gawa ni Stella McCarthy ay may halagang $147,000.

Sa mga public appearances naman ng duchess, tulad ng cream-colored Givenchy cape dress kunsaan kasama niya si Queen Elizabeth II, may halaga iyon na $18,000.

Ang pink off-the-shoulder Carolina Herrera top and skirt na sinuot ni Meghan sa Trooping the Colour ceremony ay worth $4,000.

Ang printed Oscar dela Renta dress na sinuot nito sa kasal ng pinsan ni Prince Harry ay may retail price na $6,000.

Sa isang garden party naman na in-attend-an nila ni Harry, suot ni Meghan ang isang sheer-paneled Goat dress na worth $643.

“Look at the publicity she has brought in run up to the wedding. I’d argue that’s worth every penny,” sey ni Nicholl.

Pero tulad ng sister-in-law niya na si Kate Middleton, mukhang marunong ding magpaulit-ulit ng isusuot si Meghan.

“When you are buying that sort of couture with those sorts of price tags it would be criminal not to re-wear them,” pagtapos pa ni Nicholl.

vuukle comment

DAVID LICAUCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with