^

Pang Movies

Ara desidido sa demanda kay Rina

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Ara desidido sa demanda kay Rina
Ara Mina

Nang tanungin si Ara Mina nang mag-guest siya sa late night show ni Boy Abunda na Tonight with Boy Abunda tungkol sa isang controversy na nang-agaw raw siya diumano, “hindi” at “wala” lamang ang mga naisagot niya rito.

Ni hindi na nga raw niya matandaan kung papaano ba nagsimula iyon.

Palagay niya nagsimula iyon noong naghahanap siya ng mga sponsor para doon sa kanyang ginawang fun run para sa mga batang may down syndrome.

Hindi na nga rin niya matandaan dahil sa dami ng sinulatan nila na maaaring makapag-sponsor, at kahit na si Ara ang signatory sa mga sulat na iyon, hindi siya ang gumagawa ng mga sulat, at hindi rin siya ang nagdadala ng mga iyon kung di ang mga kasama niyang kakilala ng kanilang kinukumbinsing mag-sponsor. Noong panahong iyon nakausap namin si Ara kaya naniniwala kami na possible ang ganyang scenario.

Siguro doon nagsimula iyong bintang na si Ara ay nanghihingi ng pera doon sa naging boyfriend noong isang babae, na ang totoo siya pa ngang nag-apologize kay Ara dahil nadamay ang aktres sa kaguluhan ng kanilang split ng girlfriend niya.

Kaya nga ang naging desisyon ni Ara, huwag bigyan ng dignidad ang mga ganyang tsismis. Kung mangangatuwiran siya na hindi naman kailangan, parang binigyan lang niya ng legitimacy ang bintang sa kanya na hindi naman mapapatunayan ng kahit na sino. Kaya nga nag-iisip siyang magsampa ng kasong libel eh, kasi palagay niya may malisya iyon dahil hindi naman mapapatunayan.

Sa ngayon, ayaw niya talagang magsalita, dahil pinag-aaralan iyon ng kanyang mga abugado, at pinaghahandaan na nga nilang isampa iyon. Kung kami ang tatanungin, mas mabuti nga na ang problema ay mapag-usapan sa isang legal forum kaysa naman makipagtungayawan ka sa media at mga blogs.

Sunshine pinaboran sa paglipat

May isa pang nakakatawang akusas­yon. May mga basher namang nagsasabi na walang utang na loob si Sunshine Cruz, dahil matapos siyang bigyang muli ng pagkakataon ng isang network para makabalik sa kanyang career, lumipat siya sa kalabang network noon.

Nakapagtataka, nagsimula naman si­ya sa network na iyon. Bakit noong nag­pasya siyang lumipat doon sa network na sinasabing nagbigay sa kanya ng panibagong break, walang nagsabing wala siyang utang na loob sa pinagsimulan niya?

Iyang pagiging isang artista, trabaho iyan. Hindi iyan utang na loob. Kasi ang artista kung wala namang ibubuga, kahit na loyal pa iyan, hindi pa rin naman bibigyan ng trabaho ng network eh. Kung sa tingin ng network hindi makabubuti sa interest nila ang isang star, bakit nila bibigyan ng proyekto? Negosyo iyan eh. Kagaya rin naman ng artista, trabaho kasi iyan. Hanap-buhay iyan para sa kanila.

Bakit din naman iyong isang dating star ng isang network, na noong una akala mo siya ang may ari ng network, noong bumagsak na ang popularidad hindi rin naman nabigyan ng show kahit na madaling araw, kaya ngayon hayun social media blogger na lang ang kinalabasan

Bakit iyong isang dating big star na sinusuyo talaga para pumayag na gumawa ng pelikula, ngayon siya ang nanunuyo sa mga producer na igawa na siya ng pelikula. Siya ang halos bumraso sa mga leading men para maging katambal niya, pero hindi siya halos pansin dahil laos na nga siya.

Ganyan lang talaga sa showbusiness, usu-uso lang iyan.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with