^

Pang Movies

Mga lola nabuhayan ng loob kay Sarah

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Mga lola nabuhayan ng loob kay Sarah
Sarah Geronimo

Ang lakas maka-throwback ng kanta ni Sarah Geronimo na Kiss Me, Kiss Me, ang official sound track ng movie niyang Miss Granny (20 Again) kung saan katambal niya sina James Reid at Xian Lim mula sa Viva Films.

Magkasunod na ipinalabas ngayong linggo ang dalawang music video ng Pop Star Royalty ang kanyang single na Sandata at Kiss Me, Kiss Me.

Ang galing ni Sarah na talagang nagpamalas ng kanyang versatility. Hindi pa nga maka-get over ang kanyang mga fans sa seryosong music video nito ng Sandata, heto’t isinabay na rin ang pag-release ng MV ng kanyang Kiss Me, Kiss Me.

Pero grabe ang music video ng OST ng nasabing kanta, ang cute at ang lakas maka-Vilma Santos at Nora Aunor na bumagay sa karakter niya sa soon-to-be released movie niya.

Pinatuyan ni Sarah G. na kaya niyang gawin lahat, tipong pang jack of all trades na kaya niyang magpaiyak sa kanyang single, ngayon naman ay pang good vibes na napapangiti ang lahat sa kanyang kanta bilang promo ng kanilang movie.

Flexible na artist talaga si Sarah G. na kahit pang 60’s ang trend ng music, nakuha niyang i-re-invent ang kanyang style, kilos, at pati boses. 

Galing ni Sarah G. na love ng mga fans in all ages lalo na ang mga lola.

Worry lang mga fans na sobrang payat ni Sarah na kitang-kita ang himpis ng mukha nito sa kanyang music video.

vuukle comment

SARAH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with