^

Pang Movies

Ara pinagtutulungan ng mga ‘kaibigan’

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Ara pinagtutulungan ng mga �kaibigan�
Ara Mina

Kababati lang nina Aiko Melendez at Ara Mina pero mukhang magkakaroon na naman ng intriga sa pagitan nila dahil friend pala ng una si Rina Navarro, ang CEB (Ci­nema Evaluation Board) member na kaaway ngayon ng huli.

Nag-post si Aiko kahapon ng isang picture card na may titulong “How to Keep a Relationship” at sa ibaba ay naka-enumerate ang mga sagot.

Sa caption, Aiko wrote, “Including the EX, Past is past nga diba Kaya Goodvibes nalang tayong lahat ano po #aikotalking#Cantputagooddamnwomandown #choosehappiness #notohate#nototrashtalks.”

Nag-react si Rina sa comments section ng katakut-takot na puso at peace sign.

Sagot naman ni Aiko, “bwhahahahahhahaha! Ano sis! Diba :) yan turo mo sa akin.”

Sumagot naman ulit si Rina ng “oo nga hahah. We are happy. Period. No more looking back.”

Nag-comment din si Roxanne Barcelo at aniya, “kakaiyak toh sis!”.

Roxanne had just broke up with Will Devaughn last December at baka nga hindi pa nakaka-move-on.

Ang iba namang netizens ay tinag pa si Ara at pati nga rin si Liz Uy.

Matteo pinagpipyestahan ang video ng paghuhubad

Nakakatuwa yung viral video ngayon kung saan ay makikitang hinubad ni Matteo Guidicelli ang kanyang shirt habang nasa stage at ibinato sa audience na nasalo naman ng girlfriend niyang si Sarah Geronimo.

Event ni Matteo ang gabing iyon at naroroon lang si Sarah to support.

Ang cute lang ng reaksyon ni Popstar nang masalo niya ang hinubad na t-shirt ni Matteo. Panay lang ang bungisngis niya.

Pati si Matteo ay natawa habang nagsisigawan naman ang audience.

Ini-repost din ni Matteo sa kanyang IG Story ang captured moment na ‘yun ng pagsalo ni Sarah ng kanyang shirt na ini-repost naman ulit ng mga fans.

Sobrang tuwang-tuwa ang AsMatt  fans sa epic night na ‘yun dahil pina­kilig daw sila nang bonggang bonggang ng kanilang mga idolo.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with