^

Pang Movies

Mga taga-Cebu tuloy ang pagtsitsismis kina John Lloyd at Ellen

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Mga taga-Cebu tuloy ang pagtsitsismis kina John Lloyd at Ellen
John Lloyd Cruz at Ellen Adarna

Maraming mga kwento tungkol kina John Lloyd Cruz at Ellen Adarna, pati sa kanilang baby boy, na nanggagaling sa mga taga-Cebu kung saan kilala ang pamilya roon ni Ellen. Pero dahil nga sa ginawa ng aktor na pagta-tag na FAKE NEWS ‘yung tungkol sa binyag diumano ng baby boy nila, parang maraming mas gustong hindi na lang isulat ang tungkol sa mga kuwentong ‘yon.

Mahirap na raw kasi kung ita-tag ni John Lloyd na fake news ang kuwentong nasasagap nila.

Ang sabi naman ng iba, kahit pa sabihing “retired” na sa showbiz ang aktor (pati rin ba si Ellen?), mas maganda siguro kung magbigay na lang sila ng official statement tungkol sa mga nababalitaan sa kanila, para alam ng mga tao kung ano nga ba ang totoo at hindi na rin sila “mabiktima” ng mga fake news, huh!

Anyway, sabi nga pala ng isang dating malapit kay John Lloyd (sinabi kong dating malapit dahil kahit ito ay hindi sinasagot ng aktor kapag tine-text nito ang lovey-dovey ni Ellen), sa tingin naman daw nito ay masaya ang aktor dahil noon pa nga ay gusto na talaga ni John Lloyd na talikuran ang showbiz.

Ogie umaapaw ang trabaho

Parang ako ang napagod sa schedules ni Ogie Alcasid na tinext niya sa akin kahapon habang papunta siya sa Cinemalaya launch kung saan ay official entry ang pelikula niya na Kuya Wes na co-produced nila ni Piolo Pascual at ng mga taga-Spring Films.

Kadarating pa lang kasi ni Ogie mula sa Honolulu, Hawaii kung saan ay nag-ASAP Live in Honolulu siya under TFC (The Filipino Channel), pero heto’t aalis na naman siya at marami pa rin siyang ibang schedules.

Medyo hectic sked ko. Uwi ako Australia to see Sarah (her second daughter) and the family, July 9. Then July 14 straight to Nagoya (Japan for a TFC show) ako at balik ng July 16 for taping of Home Sweetie Home, Your Face Sounds Familiar Kids and tuloy na ulit ‘yung pagiging judge ko sa Tawag ng Tanghalan (sa It’s Showtime).

“July 20 OA na Tour sa Davao naman, then August 13 sa New Jersey. Tapos sa August 24 naman, sa Araneta Coliseum ako for my 30thyear anniversary concert.

“Ang Kuya Wes sa Cinamalaya naman, August 3-9 yata then regular showing kami after,” ang mahabang text sa akin ni Ogie, na parang sobrang nakakapagod ang napakarami niyang schedules, ‘noh?!

Ang maganda naman kay Ogie, kahit nakakapagod ang schedules niya, sobrang maalaga naman sa kanya ang misis niyang si Regine Velasquez-Alcasid.

Manny handa nang pabagsakin si Matthysse

Naku, Salve (my dear editor), nakita mo ba ‘yung pinost ng friendship nating si Representative Toby Tiangco na video sa kanyang Instagram (@toby.tiangco) kahapon kung saan ay dinalaw niya ang kaibigang si Senator Manny Pacquiao sa training nito?

Aba, mukhang fit na fit si Manny sa paghahanda sa boxing fight nila ni Lucas Matthysse, huh!

Mukhang kakayanin nga talaga ng ating Pambansang Kamao si Matthysse sa boxing fight nila sa Kuala Lumpur, Malaysia sa tanghali ng July 15.

Saka nakita mo ba, Salve, parang sobrang happy si Pacquiao nang makita si Toby, ‘noh?!

Sobrang close nga kasi ang dalawa at sa boxing fight nga na ‘yon ay susuporta si Toby kay Manny sa Kuala Lumpur.

Eh, palagi naman din si Toby sa mga boxing fight ni Manny, ‘di ba?

vuukle comment

ELLEN ADARNA

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with