^

Pang Movies

Mother Lily ayaw maadik sa K-Drama

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Mother Lily ayaw maadik sa K-Drama
Mother Lily

Kahit pala si Mother Lily ay nanonood ng mga Korean series featured sa ating free tv. Nagagandahan daw kasi siya. Pero hindi naman daw siya naaadik sa mga palabas na ito.

In fact, ayaw ni Mother Lily mag-mention ng title ng Korean telenovela na kanyang pinanonood. Basta kahit ano raw ang mangyari, pangako niya na itutuloy pa rin niya ang pagpo-produce ng mga pelikula.

Di lang daw para sa mga tao behind the cameras, gusto rin daw niyang makaipon ng maraming pelikula sa kanyang library, para raw in the future, mapanood ito ng mga darating na generation.

Ang Regal Entertainment ni Mother Lily ang nag-produced ng showing na ngayon na pelikulang Walwal na pinagbibidahan nina Elmo Magalona, Kiko Estrada, Jerome Ponce, Donny Pangilinan, Devon Seron, Kisses Delavin at Sofia Senoron, at idinirek ni Joey Javier-Reyes.

By the way, alam kaya ni Mother Lily, Salve A., na ang isang baguhan na ipinakilala niya sa Walwal na si Sofia Senoron ay nakapirma na ng kontrata sa Kapuso? Nakapanabayan ni Sofia na pumirma ng kontrata sa nabanggit na Network ang 21 years old na anak ng dating Miss International na si Melanie Marquez si Michelle Dee. Anak ni Melanie si Michelle sa former Chinese businessman-husband niyang si Derek Dee. Sa Amerika na naninirahan sa kasalukuyan si Melanie, with her American husband, Adam Lawyer.

Charlie sanay kay Enrique

Kilalanin natin si Charlie Dizon o April Matienzo sa totoong buhay na gaganap na Marikit sa seryeng Bagani.

Si Charlie ay 22 taong gulang pa lamang at ipinanganak sa Pilipinas pero sa Australia nanirahan. Nang magtrabaho ang kanyang nanay sa Japan, nagkaroon siya ng pagkakataong tumira rin doon pero agad namang napagdesisyunang bumalik na lang sa Pilipinas. Bunso sa limang magkakapatid si Charlie, take note, babae silang lahat. Ang kanilang panganay ay nasa 40 years old na. Siya na lang ang kasama ng mga magulang niyang naninirahan dito sa ‘Pinas, ang tatlo niyang kapatid ay nasa Amerika na at ang isa ay sa Canada.

Si former ABS-CBN president Charo Santos-Concio ang nagbigay sa kanya ng screen name na ‘Charlie’, since wish raw niya na sana panglalaki ang maging screen name niya.

Tatlong beses nang itinampok si Charlie sa mga pelikula at lahat ay under Star Cinema, ito ay ang Finally Found Someone, Sin Island at Seven Sundays. Ang Bagani ay magsisilbi niyang unang serye sa telebisyon. “Kaya, pinagbubutihan ko, lalo pa nga at madalas ka-eksena ko si Aiko Melendez,” sabi ni Charlie

Nakaka-eksena rin daw niya si Enrique Gil, na kanyang naging leading man sa Seven Sundays at nagkasama na rin ng ilang beses sa mga commercial.

Pamilya ni Tristan laging kinakapos

Kung si Charlie ay nakatapos na ng pag-aaral, si Tristan Ramirez naman na miyembro ng Boyband PH ay nag-iipon pa lang para makatapos ng college.

Kinapos daw kasi sila ng pera kaya kinailangan niyang huminto ng pag-aaral.

Inamin ni Tristan na mahirap lang sila. Ang kanyang nanay ay isang household helper, samantalang ang kanyang ama naman ay isang construction worker.

Malaking tulong daw sa kanya at sa kanyang pamilya na napabilang siya sa Boyband PH, na binubuo rin nila Joao Constancia, Russel Reyes, Niel Murillo and Ford Valencia.

Ang kinikita niya sa kanyang performances ay nakakatulong sa kanyang pamilya at nakakaipon din siya kahit papano para matupad ang pangarap niyang makapag-aral muli.

Kasalukuyang may episode na ginagawa ang grupo nila sa Wansapanataym, titled Ofishially Yours na pinagbibidahan ni Ellise Joson bilang isang Sirena.

vuukle comment

MOTHER LILY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with