^

Pang Movies

Andrea natakot sa patayan, ayaw nang maging Mayor!

Ruel Mendoza - Pang-masa
Andrea natakot sa patayan, ayaw nang maging Mayor!
Andrea del Rosario

MANILA, Philippines — Dahil sa naganap na pag-assassinate kay Mayor Antonio Halili ng Tanauan, Batangas, mukhang wala nang balak na ang actress-turned-politician na si Andrea del Rosario na tumakbo pa ulit sa next election.

Kasalukuyang umuupo na vice ma­yor ng Calatagan, Batangas si Andrea at nakilala na niya minsan si Mayor Halili. Kilala nga raw ito sa pagkakaroon ng kamay na bakal sa pinamumunuan nitong bayan.

Sa naging kuwentuhan namin ni Andrea, nabanggit nga niya na medyo nag-iingat na siya, lalo na kapag nasa opisina na siya sa Calatagan.

Tama na raw ‘yung nahalal siyang vice mayor sa unang pagkakataon niyang tumakbo sa pulitika. Hindi na raw siya naghahangad ng mas mataas pang posisyon.

Iniisip din daw kasi ni Andrea ang kinabukasan ng kanyang anak na si Bea at mas gusto niyang mas marami na siyang time na ibigay at hindi na mahati ang atensyon niya sa kanyang anak.

Mark Wahlberg naghubad dahil kay LeBron

Maraming netizens ang naglaway sa pinost ng Hollywood actor na si Mark Wahlberg na shirtless photo niya sa Instagram.

Nagawang mag-flex ng kanyang muscles ang 47-year old actor dahil sa paglipat ng basketball star na si LeBron James mula sa Cleveland Cavaliers to the L.A. Lakers.

Hindi naman daw excited si Wahlberg para sa Lakers dahil mas nagse-celebrate siya para sa hometown team niya na Boston Celtics.

Dahil sa paglipat ni LeBron sa Lakers, nabawasan na raw ang competition sa eastern division ng NBA at malaki na ang chance ng Celtics na mag-dominate sa east.

Pumirma si LeBron na isang four time NBA MVP, three time NBC finals MVP, fourteen time NBA All Star and two time Olympic gold medalist ng $154 million contract para sa pagsama niya sa Lakers.

Maliban sa Cleveland Cavaliers, naglaro rin si LeBron with Miami Heat in 2012 and 2013.                                                                             

vuukle comment

ANDREA DEL ROSARIO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with