^

Pang Movies

Carla natuklasang anak siya sa labas

Pang-masa

MANILA, Philippines – Ngayong Sabado (June 30) sa Magpakailanman, tunghayan ang kwento ng isang anak at ng kanyang ama at ang pagmamahal nila sa isat-isa na muntik mawasak dahil sa isang malaking kasinungalingan.

Itinatampok sa episode na Anak ng Kabit si Carla Abellana bilang Joyce. Kasama rin sina Roi Vinzon, Yayo Aguila, Bruno Gabriel, Sheila Marie Rodriguez, Tanya Gomez, Rafa Siguion Reyna, Angela Evangelista at Gigi Locsin.

Bata pa lang, ang nais ni Joyce ay ang makasal na ang kanyang mga magulang na sina Mira at Ruel. Isa siyang daddy’s girl at mahal na mahal niya ang kanyang ama kahit pa hindi niya ito madalas makasama.

Isang sundalo si Ruel at madalas nadedestino sa malalayong lugar. Kaya naman, sinusulit ni Joyce ang mga oras sa bawat araw na nakakasama niya ito. Hanggang isang araw, isang babae ang sumugod sa kanilang bahay at nagpakilalang legal na asawa ng kanyang ama.

Napagtanto ni Joyce na kaya pala hindi makapagpakasal ang kanyang mga magulang, ay dahil kasal sa iba ang kanyang ama at hindi sila ang orihinal at legal nitong pamilya.

Dahil sa nalaman, nagrebelde si Joyce. Naging mapusok ito, at maagang nabuntis at nagkapamilya. Patuloy namang pinatunayan at pinanindigan ni Ruel ang pagiging ama kay Joyce at paulit-ulit itong humingi ng tawad sa anak. Ngunit nahirapan si Joyce na mapatawad ang ama.

Hanggang unti-unting iginupo ng isang karamdaman ang katawan ni Ruel. Dahil dito, tuluyan na siyang umuwi sa orihinal niyang pamilya at naging madalang na ang pagdalaw niya kina Joyce. Saka napagtanto ni Joyce ang kalahagahan sa kanya ng kanyang ama. Gusto niya itong pagsilbihan at alagaan. Gusto niyang suklian ang sa tingin niya ay kabutihan at pagmamahal na ibinigay sa kanya ng kanyang ama, sa kabila ng paglilihim nito tungkol sa kanyang katauhan.

Pero paano niya matutulungan ang naghihirap na si Ruel, ngayong ayaw silang bigyan ng orihinal nitong pamilya ng pagkakataong magkita? Paano ngayon ipaglalaban ni Joyce ang karapatan niya bilang anak para pagsilbihan at makapiling ang mahal na ama?

Mula sa direksyon ni Conrado Peru, huwag palampasin ang Magpakailanman ngayong Sabado pagkatapos ng Pepito Manalato sa GMA 7.

 

 

vuukle comment

CARLA ABELLANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with