^

Pang Movies

GMA magbabago ng mga programa!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

May mga changes na sa programming ng GMA Network. Bukas, Saturday, last episode na ng long running-comedy game show na Celebrity Bluff ni Eugene Domingo. Magiging guests nila ang love team nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix, ang magkatambal sa Kung Mahati Ang Puso sina Bea Binene at Benjamin Alves at ang dalawa sa cast ng The Cure, sina Kylie Padilla at Arra San Agustin.

Sa Sunday naman, last episode na rin ng Lip Sync Battle Philippines hosted by Michael V. at Iya Villania at ang huling maglalaban ay sina Comedy Queen AiAi delas Alas at ang bagong Kapuso actor na si John Estrada. Kaabang-abang kung ano ang pasabog na gagawin ng dalawang mahuhusay na actor.

Papalitan naman ito ng talent search na The Clash hosted by Regine Velasquez-Alcasid at panel of judges sina Lani Misalucha, Christian Bautista at AiAi delas Alas. Mapapanood ito every Saturday and Sunday simula sa July 7.

Alden lumabas sa VM costume

Inilabas na ng GMA ang buong costume na gagamitin ni Alden Richards para sa bago niyang action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol. 

Umani ng maraming papuri nang ma-post na ang picture ni Alden suot na ang complete costume na fit na fit sa kanya at lalo raw lumabas ang kaguwapuhan ni Pambansang Bae. 

Nai-shoot na ito noong isang gabi sa studio na gamit ng Victor Magtanggol. Abang-abang na lamang ang mga nagtatanong kung kailan ang airing ng serye dahil excited na silang mapanood ito.

Glaiza nakaka-workout sa taping

Napansin ng ilang entertainment press na bumisita sa set ng top-rating afternoon drama series na Contessa na pumayat si Glaiza de Castro. 

Aminado naman si Glaiza, pero hindi raw naman siya nagrereklamo, dahil nakatutulong pa raw sa kanya ang role na ginagampanan niya dahil maaksyon ito. 

Madalas daw na maaga sila sa set, kaya doon na sila sinisikatan ng araw, at kapag nag-shoot na sila ng mga action scenes, para na rin daw siyang nagwu-work out, pinagpapawisan siya, tapos fresh air, kaya ini-enjoy din niya ang mga eksena.

“Hindi po kasi maiwasan na maaga kaming mag-taping, lalo na kung ang iti-tape namin ay ipalalabas na kinagabihan. Kaaway na po namin ang weather, kapag umulan na hindi na kami makapag-shoot ng mga eksenang dapat naming kunan. Kaya kinabukasaan, kailangan naming i-shoot wala kasi kaming naka-reserve na eksenang ipalalabas.”

Mahihirap ang mga eksena ni Glaiza ngayon dahil harapan na ang away nila ni Gabby Eigenmann as Duquessa Dolce Vida at siya naman as Contessa, nakikipaglaban na naka-long gown pa na kuwento nga niya, apat daw ang gamit niya at iyong isa, napunit na.

Hindi raw biro na sa ganoong costume niya ay tumalon siya sa Daranak Falls, wala raw naman siyang takot sa tubig dahil nag-training siya sa swimming para sa serye.

Sa mga hirap nga na dinaranas ni Glaiza, lalo ngayon na todo ang laban nila ni Duquesa, pagkatapos ng kanilang serye, hihingi muna siya nang matagal-tagal na bakasyon sa GMA, kasama ang family niya sa USA.

 

vuukle comment

EUGENE DOMINGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with