^

Pang Movies

Dobleng pag-iingat, pagsakay sa jeep buwis-buhay!

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Thank you God, buhay pa ako and kicking. God is good, all the time! Akalain ko bang muntik nang maging mitsa ng aking buhay, meaning to say “dedo na” waley na si ako ang isang pagsakay sa jeep. Pero hindi tayo pababayaan ng ating panginoong Hesukristo.

E, kasi a few days ago, nakaladkad ako ng jeep pampasahero sa sakayan sa Dila, Sta. Rosa, Laguna. Going to Complex, ang sentro ng mga iba’t ibang negosyo na namumulaklak sa nasabing lugar. Ang pamasahe ay P10.00 at ang bibilhin ko’y halagang 10 pesos din. Diyaryo po ang bibilhin ko, anong diyaryo? E ‘di ang binabasa ng madlang Pinoy, ang Pang-Masa (PM).

Sa kagustuhan kong makabili nito dahil laging nauubusan sa Mini-Stop (Golden City), walk ang Lola ninyo na buwis buhay. Nakapara si jeep, nagtatawag ng pasahero. Ano ba’t nung sasakay na ako, biglang pinaandar ng hindoropot na driver. Buti na lang po nakahawak ako sa estribo sa labas ng sasakyan, pero itsura nang nakatsubibo ang beauty ko dahil lumilipad ako, hindi nakasayad sa lupa ang mga paa ko kaya sigawan ang mga tao.

Eh bingi yata ang hindoropot na letseng driver, kundi pa siya hinabol ng isa pang jeep at sabihan ng driver na may nakasabit na Lola sa likod ng jeep niya saka lang siya huminto. Takot na takot siya. Sarap pigain ng burat niya, galit na galit ako na nakaupo na.

Pinangaralan ko siya, panay ang hingi ng tawad. Sabi ko pa, hindi niya ako kayang bayaran.

Bago ako bumaba sa jeep niya, pinaalalahanan ko na lang muli na laging mag-iingat. Ganun! Alive ang inyong Tsuppatid, Thanks God! (God is good all the time. Naiyak naman ako tita. Ingat po kayo lagi. - Salve)

Kapamilya malambot ang puso sa mga komedyante

All out ang pasasalamat ni Bayani Agbayani at Long Mejia sa ABS-CBN dahil may palagiang show sa network na ipinagkatiwala sa kanila. Pati nga ang isa pang komedyante na si Kuya Jobert ay kasama.

Sabagay, magagaling silang komikero. Hindi sila natutuyuan ng baon sa pagpapatawa.

Ang ABS-CBN kasi with Charo Santos-Concio and Ms. Malou Santos, hindi tikom ang kamay sa pagtulong sa mga artistang walang trabaho.

Well, deserving naman dahil magagaling silang komedyante. Isa pa rin si Whitney Tyson na nabigyan ng show, very thankful din si Whitney dahil need niyang mag-hanapbuhay para sa pamilya. Godbless Miss Charo and Miss Malou.

Xian si Nora naman ang target

Para kay Xian Lim, may big achievement na siya sa pagiging artista dahil natupad na ang pangarap niya na makasama sa pelikula ang Star for All Season na si Vilma Santos a.k.a Congresswoman Vilma Santos-Recto.

May ginawa silang dalawa ni Cong. Vilma as mother and son with Angel Locsin na gumanap naman as leading lady ni Xian. Idol daw talaga niya si Cong.Vilma at para raw lalo pang makumpleto ang dream niya, sana si Nora Aunor naman daw ang makasama niya sa susunod na pelikulang gagawin niya. E di wow! Antayin namin ‘yan Xian and goodluck.

Bea at John Lloyd never nagkatikiman

Sa dami ng pelikulang ginawa nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo, hindi kaya sila nagkaroon ng something-something? Ito ang tanong ng mga intrigera’t intrigero sa showbiz na nangangalap ng secret happenings ng mga artista.

Hindi ba nila naisip na lalaki si JLC, na pareho sila ni Bea na napakaganda at si Lloydi naman ay super gwapo. Bagay na bagay sana silang dalawa sabi ko pa. Pero ‘wag na ipilit kasi taken na si John Lloyd, at siyempre alam naman natin na pareho na silang masaya sa mga buhay nila.

 

vuukle comment

JEEP BUWIS-BUHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with