^

Pang Movies

Winwyn at Mark magpapakasal na

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa
Winwyn at Mark magpapakasal na
Winwyn Marquez

Totoo man o hindi, Ok na rin. Go! E, kasi nasagap ko sa ilang katoto na malapit nang lumagay sa tahimik sina Winwyn Marquez at Mark Herras.

Nasa right age naman na sila. At feeling ko, si Wyn ay tulad ng kanyang inang si Alma Moreno, mabait. Napakabuting ina nito, sapagkat nakilala ko rin si Alma na napakabait na tao. Ganun na ganun din si Wyn, mabait at super loving na anak.

Si Mark naman, matagal ko na rin alam na good boy at may sarili nang investment na pagsisimulan para sa buhay may asawa.

Well, kung totoo man ito, mauna na akong babati sa kanila ng Best Wishes! and Congratulations! Clap Clap Clap!

Wala pa ring kupas, Jose mari naka-limang dekada na!

Congratulations sa isang icon sa music industry, ang singer-composer na si Jose Mari Chan, na nagdaos ng kanyang Ika-50 years sa larangan ng mundo ng musika.

High School pa lamang ay nakakapag-compose na siya ng mga kanta, hanggang sa siya ay magka-edad at magka-pamilya na.

Hanggang ngayon ay buhay na buhay pa rin ang lahat ng kantang ginawa niya at patuloy pa rin itong naririnig sa apat na sulok ng music world.

Sino ba ang hindi mapapakanta at mai-inlove sa mga awiting pinasikat niya na tulad ng Please Be Careful With My Heart, Tell Me Your Name, Constant Change, Refrain, Beautiful Girls, After Glow, My Woman at marami pang iba, na nalikha niya sa loob ng 50 years ng pagiging singer-composer, lyricist at band master.

Ang Christmas song na Christmas In Our Hearts ay isa sa naging pinaka-popular song na paborito at laging pambungad na awitin ng PMPC Choir tuwing sasapit ang Pasko sa kanilang caroling nights.

Well, again congratulations Jose Mari Chan, you’re one in a million!

Last Sunday night, binigyan siya ng tribute concert ng ABS-CBN sa saliw ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra under the baton of Prof Louie Camino. Kumanta din ang dalawang anak ni Jose Mari na nagmana sa kanyang galing sa pag-awit.

For me kahit napuyat ako, super enjoy ako. I love it, one of the best TV show para sa akin ang Jose Mari Chan 50 Years In Music Industry

Contessa pinipilit na lang pahabain?!

Comment ng ilang viewers na nanonood ng TV-series na Contessa sa GMA 7, parang lumaylay daw ang takbo ng istorya nito, nawala raw ang excitement dahil kay Vito na parang useless na ‘yung nabuhay siya at naghihiganti kay Contessa.

Parang pilit daw ang mga idinagdag na eksena at halatang pinahahaba lang.

Siguro raw ay wala pang ipapalit na serye kaya dinugtungan na lang ng writer-direktor.

vuukle comment

WINWYN MARQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with