^

Pang Movies

Jerald ginagamit ang pagiging komedyante sa panliligaw

Joe Barrameda - Pang-masa
Jerald ginagamit ang pagiging komedyante sa panliligaw
Jerald

MANILA, Philippines — It was fun night with Jerald Napoles noong isang gabi na parang tsikahan ng mga barkada. Hindi pala inaasahan ni Jerald na marating ang kinalalagyan niya ngayon. Nagsimula pala siya sa mga stageplay bago siya naging artista nang mapansin ang husay niya.

Hindi man siya kagandahang lalaki ay ma-appeal siya lalo na sa mga mestiza. Kaya hindi na kami nagtanong sa mga natsitsismis sa kanya.

Paano nga ba nararamdaman ni Jerald sa isang babae na type siya? Kapag daw bentang-benta ang mga jokes niya sa kausap o katsikahan niyang babae. Alam na raw niyang puwede niyang pasukan o ligawan ito.

Sa June 27 ang opening day ng The Write Moment na pinagbibidahan ni Jerald Napoles na last year pa pala ito ginawa at ngayon lang magkakaroon ng commercial run. Isang romcon na wish ni Jerald na magustuhan ng mga manonood. Wish ni Jerald na sana masundan niya ang successful run ng movie gaya ng kay Empoy Marquez.

Agawan nina Sunshine at Carmina mas tumitindi pa

Sa pagpasok ni Sunshine Dizon sa Kambal Karibal, mas napatunayan ng viewers na patindi na nga nang patindi ang mga kaganapan sa Primetime series na ito ng Kapuso Network, lalo pa’t handang-handa na ang karakter ni Sunshine na si Maricar na bawiin ang anak niyang si Cheska (Kyline Alcantara) kay Ge­raldine (Carmina Villaroel). Kaya naman sa patuloy na pakikipaglaban nila para sa karapatan sa dalaga, kinabibiliban ngayon ang husay ng dalawang Kapuso actress dahil maraming ina ang nadadala sa kanila.

Sa mga komento ng ilang netizens, dama nila ang bawat emosyong binibigay nina Carmina at Sunshine.

May isang ina nga na nagsabing tutok na tutok talaga siya sa tapatan ng mga ito. Hati naman ang reaksyon ng mga manunuod sa kung kanino ba dapat mapunta si Cheska.

May ilang nagsasabi na dapat daw ay kay Ge­raldine dahil ito ang nag-alaga dito simula bata, may ilan naman na dapat raw ay si Maricar dahil ito ang tunay na ina. Pero sino nga kaya ang magwawagi sa kanilang dalawa ngayong pati si Cheska, tila nilalabanan sila Crisan (Bianca Umali) at Crisel (Pauline Mendoza) para lang makabalik sa katawan niya.

Jeric sumalang na sa maaksyong eksena

Sa fan meet ni Jeric Gonzales, isinama niya ang kanyang fans sa pagtugtog ng gitara at sabay-sabay silang nag-aral tumugtog ng ukulele. Bago simulan ang workshop, nagpa-sample muna si Jeric at hinarana ang kanyang fans sa kantang Slow Hands at Walang Iba.

Kilig na kilig ang fans ni Jeric sa ganda ng boses nito. Samantala, naibahagi niya sa fan meet na kasama siya sa cast ng Ika-5 Utos. Nag-e-enjoy siyang gampanan ang karakter niya rito dahil matagal na niyang gustong bumida sa isang action-packed na serye. Hindi pa pwedeng sabihin kung anong karakter ang gagampanan niya pero sigurado raw na susubaybayan ito ng viewers dahil sa complex story nito at mapapaisip ang mga manonood. 

vuukle comment

JERALD NAPOLES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with