^

Pang Movies

Carpool episode nina Paul McCartney at James Corden, tinutukan

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Touching at nakakaiyak ang special episode ni James Corden sa Carpool Karaoke kasama si Paul McCartney. Nag-explore ang dalawa sa Liverpool kung saan lumaki ang henyong singer. Binisita rin nila ang childhood home nito kung saan sila sumulat ng kanta ni John Lennon. Hanggang sa nag-perform si Paul McCartney sa isang local pub.

Tinaguriang best carpool ever episode na naging napaka-emotional na roller coaster ang pagbabalik-tanaw sa mga kanta at kuwento ni Paul bilang pagbibigay-pugay sa The Beatles.

Naging magical ang moments sa mga taong masuwerteng nakita ng personal at marinig muli si McCartney na nakasalamuha at marinig na nag-perform sa Liverpool. Maging sa posting ng episode sa Facebook na trending hanggang ngayon.

Maraming fans sa buong mundo ang nagpasalamat kay James sa mga nagpangiti at nagpaiyak sa mga millyong fans at sa bagong generations na muling marinig si Paul McCartney.

Bongga ang bagong kanta ni Paul na Come on to Me at I Don’t Know mula sa bagong album nito na Egypt Station.

Muling mapapanood ang bagong episode sa The Late Late Show with James Corden mula sa London sa Sky One ng 10pm kagabi.

vuukle comment

PAUL MCCARTNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with