^

Pang Movies

Susan ayaw pang mag-retire

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nanatiling brand ambassador ng RiteMED si Ms. Susan Roces for seven years after she renewed her contract sa thanksgiving lunch na handog sa kanya last June 21.

“We’re happy to have Ms. Susan Roces as our partner as she’s a very credible endorser and the whole families can relate to her,” sabi ni Gen. Manager Vince Patrick Guerrero. “She generates a high level of trust from the consumer.”

Itinuring na rin ni Susan na advocacy niya ang pagiging endorser ng mga gamot na kayang bilhin ng ordinary people sa mababang ha­laga, tulad ng ama niyang si Dr. Jesus Sonora na doctor noon sa Lepanto Mining in Mountain Province. Nakita raw niya ang dedication ng ama sa panggagamot sa mga mahihirap kahit alam nitong kapalit lamang ay mga gulay, manok, at prutas. Kaya nang i-offer sa kanya ang RiteMed, itinuring na niyang iyon ang gusto ng kanyang ama, na tumulong siya sa mga mahihirap na maging healthy kahit sa very affordable prices ng gamut.

“So, I really like to thank RiteMed for helping me keep this tradition that my father has started.  Nakakatuwa nang simulan kong kantahin ang jingle, positive ang naging reaction, kahit maliliit na bata, kapag nakita ako, kinakantahan nila ako ng ‘Huwag mahihiyang magtanong kung may RiteMed ba nito?’  Dahil din sa kanila, natupad ang pangarap kong maging singer,” natatawang dagdag ni Susan.

Malayo pa raw mag-retire si Susan sa showbiz, hindi siya pwede nang walang ginagawa dahil lalaki lamang siya kung nasa bahay lamang.

Sa July 28, birthday ni Susan, may special gift sa kanya ang RiteMed, free medical missions for the poor sa iba’t ibang lugar, in her name, birthday wish niya: “Good health, not only for me but for everyone. Sana maging malusog tayong lahat lagi.”

Dingdong gusto pa uling idirek si Marian

Iba ang experience ni Marian Rivera nang idirek siya for the first time ng asawang si Dingdong Dantes sa first anniversary episode ng drama anthology for the Overseas Filipino Workers (OFW) na Tadhana, ang Sugat Ni Inay.

“Bago kasi kami nag-taping sabi niya, malalaman na raw niya kung paano ako magtrabaho,” kuwento ni Marian. “Nauna siyang umalis sa akin, dahil director siya, 6:00 AM ang call-time niya, ako, 8:00 AM. 

“Pero from 8:00 AM to 6:00 AM of the next day, diretso ang trabaho namin. Kaya mahilu-hilo na ako nang sabay kaming umuwi ni Dong. Pagdating sa bahay, hinalikan niya ako at sabi: ‘Good job, tulog ka na.’ Pero iyong sinabi niya sa akin nang gumising ako, nagpataba sa puso ko.  At sa tanong ko kung ididirek ba niya ako ulit, oo raw naman.”

Mamayang hapon, at 3:15 PM after Contessa, mapapanood na ang first anniversary presentation ng Tadhana na si Marian ang gumanap sa role ni Jackie na nakatikim ng pang-aabuso sa Bahrain at pag-uwi rito ay ayaw kilalanin ng mga anak. May special participation din si Direk Dong sa story.

vuukle comment

SUSAN ROCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with