^

Pang Movies

Ella ang lakas maka-K pop sa bagong single

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa
Ella ang lakas maka-K pop sa bagong single
Julian Trono at Ella Cruz

Hindi lang pala sa sayawan may ibubuga si Ella Cruz, mahusay din pala itong singer. Nagpakitang gilas si Ella sa pagkanta sa single nitong Sabi na sa ‘Yo Eh na release ng Viva Records.

Ang ganda ng kanta na pang millennials talaga, kinikilig ang fans sa official video nito kasama si Julian Trono. 

Pang #hashtag relatable sa marami ang kanta na swak sa cute nilang kuwento sa music video na parehong nakaka-K-pop at J-pop pati sa suot ni Ella na Korean skirt. May pagkahawig din ang tunog ng single sa 2NE1 song.

Simple lang ng kanta pati na ang concept ng music video, pero in fairness kay Ella ay nakaka-LSS ang catchy single nito na kilig-kiligan ang goals kaya malakas ang hatak sa kanyang fans.

Ngayon naman ay patutunayan ni Ella ang kanyang talent sa aktingan. Oh ‘di ba, hindi na mapigilan ang level up na career ni Ella na busy naman para sa promotion ng kanyang pelikulang Cry No Fear na isang action suspense thriller film sa direksiyon ni Richard Somes na showing na sa mga sinehan.

vuukle comment

ELLA CRUZ

JULIAN TRONO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with