^

Pang Movies

Tadhana ni Marian, naka-isang taon na

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Tadhana ni Marian, naka-isang taon na
Marian Rivera

One year na sa telebisyon ang Tadhana, ang drama anthology ni Marian Rivera kaya nagkaroon ng thanksgiving presscon ang GMA 7.

Tumagal ng isang taon at sure na magtatagal pa sa ere ang Tadhana dahil kapupulutan ito ng mga aral.

Mga true at inspiring story ng mga OFW ang napapanood sa Saturday drama anthology ni Marian kaya marami ang nakaka-relate.

Never na mauubusan ng mga ilalahad na kuwento ang Tadhana dahil napakarami ng mga karanasan ng mga OFW na nangangarap na maibahagi sa lahat ang kanilang mga pinagdaanan, malungkot man o masaya.

Mga artistang papalit-palit nang ineendorso, hindi na pinaniniwalaan

Isinulat ko sa PSN (Pilipino Star Ngayon) co­lumn ko ang pagiging effective endorser ni Susan Roces.

Gaya ni Manang Inday, pinagkakatiwalaan din na ce­lebrity endorser si Marian Rivera na may lo­yal­ty sa mga kompanya na kumukuha sa serbisyo niya.

At dahil napag-uusapan ang mga celebrity endorser, effective pa rin kaya na endorser ang mga artista na pabagu-bago ang mga produkto na ipino-promote?

Maniniwala ka pa ba sa isang endorser na ngayon ito ang sinasabi na beauty and skin clinic na nagpapaganda sa kanya then after a year, iba na naman ang skin clinic na ipino-promote?

Hindi dapat ina-underestimate ang mga tao dahil natatandaan nila ang bawat kompanya o produkto na ine-endorse ng mga artista, lalo na kapag mga beauty and skin clinic ang topic.

May mga artista na palipat-lipat at papalit-palit ng mga ipino-promote na mga beauty clinic kaya nababawasan na ang kanilang mga credibility.

Nililito na nila ang publiko kaya hindi na sila pinaniniwalaan. Sa pagkain naman, parang hindi mo  mapaniwalaan na  ito ang masarap ngayon dahil pagkalipas ng ilang buwan at taon, iba na ang sinasabi nila na yummy.

Dapat na maging maingat ang mga kompanya sa pagkuha ng mga celebrity ambassador. Hindi porke sikat ang mga artista, paniniwalaan na agad.

Mas gusto ko pa ang mga campaign na gina­gamit ang mga ordinaryong tao dahil may moment na nakakaiyak ang kanilang mga testimonya tulad ng Jollibee series, ang bata na bulag na inalok ng puto ang isang foreigner.

Malakas ang tama sa puso at higit na makatotohanan ang campaign.

Kapag artista ang kinuha nila na endorser, alam agad na trabaho lang ang lahat dahil malaki ang talent fee. Kapag mga common tao ang starring sa ads, may mararamdaman ka na immersion na parang kasali sa eksena.

At dapat talaga, may truth sa adverti­sing, dapat na makita mo na tinatangkilik, kinakain at ginagamit ng product endorser ang mga produkto na ipino-promote nila.

May kakilala ako na artista na binayaran nang mahal para maging endorser ng isang telecommunications company.

Matagal na naging endorser ng kompanya ang artista at in fairness, tumaas ang sales dahil buong-buo ang tiwala sa kanya ng mga consumer.

Nang mag-expire ang contract ng star, hindi siya nag-renew. Pinalipas lang niya ang ilang taon bago siya pumirma ng kontrata sa rival company ng telecommunications company at mataas din ang talent fee na kanyang siningil.

Sa palagay n’yo ba, pinaniwaalan pa ng mga consu­mer ang artista na tinutukoy ko? Hindi na kaya unti-unti na rin na nabawasan ang kanyang popularity dahil pinag­dudahan na ang credibility niya.

vuukle comment

MARIAN RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with