^

Pang Movies

Anne nagpa-pump kahit nasa shooting

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Anne nagpa-pump kahit nasa shooting
Anne Hathaway

Natutuwa ang Oscar winner na si Anne Hathaway sa kanyang mga kasama sa pelikulang Ocean’s 8 dahil napagbibigyan daw siya ng ilang breaktime para mag-pump siya ng breast milk.

Noong magsimula silang mag-shoot para sa Ocean’s 8, ilang buwan pa lang na nakakapanganak si Anne kaya nagpapa-breastfeed pa raw siya.

“I was so happy because I was breastfeeding and I had that moment where I was like, ‘Oh, is this gonna be a positive environment to just be able to do that?’, and everybody was fantastic and they understood,” sey pa ni Anne.

Naalala raw niya ang isang shoot nila sa New York na inabot ng matagal at kinailangan na niyang mag-pump.

“I remember there was one moment when we were shooting a little long, and I just kinda went, ‘Ughhh’ and the girls were like, ‘What’s wrong?’ and I said, ‘I should have pumped an hour ago.’

“The girls just formed a circle around me and they were like, ‘We need a break. Annie needs to go do this.’

“It was just like, who gets that? I mean, everybody should but it’s not common,” tawa pa ni Anne.

Parati nga raw siyang binibiro ng co-star niyang si Cate Blanchett dahil sa mga swollen breasts niya. Bumagay daw sa character niyang si Daphne Kluger na isang voluptuous diva actress.

“It really did! My entire character was built from the chest up!”

Bumalik nga raw ang confidence ni Anne dahil sa kanyang co-stars. Nakaramdam kasi ng insecurity sa kanyang katawan ang aktres pagkatapos nitong manganak.

“Rihanna looks up and goes, ‘Damn girl, you got an a--!’. And I, of course, was freaked out and loved it so much and go, ‘Really?’ And she goes, ‘You got an a** like me.’ And I can honestly say I’ve never had that experience on a film set before.”

Ken humaba ang trabaho kay Arra

Thankful si Ken Chan dahil humaba na ang role niya as Dr. Joshua sa teleserye na The Cure.

Dapat ay special guest lang si Ken sa teleserye at baka patayin agad ang character niya. Pero humaba na nang humaba ang stay niya sa teleserye dahil nagustuhan ng televiewers ang tambalan nila ng Kapuso newcomer na si Arra San Agustin who plays his wife na si Anna.

Hindi raw inaasahan ni Ken na magkaroon sila ng chemistry ni Arra dahil first time nilang makatrabaho ang isa’t isa. Pero dahil bumagay sila sa isa’t isa, meron na silang fans ngayon at ang kanilang story arc ang inaabangan maliban sa mga nagaganap na pagkalat ng virus.

Manilyn natakot magkasakit

Dahil naging health conscious na ang aktres na si Manilyn Reynes, nag-iba na ito ng kanyang lifestyle at sinama na niya rito ang pag-workout.

Laging kasama ni Mane ang kanyang mister na si Aljon Jimenez sa workout at eight pounds na raw ang nabawas sa timbang nito in one month.

Ang workout routine ni Mane ay ang boxing, running, planking, bear crawl at push-ups.

“Yes it’s good to eat, masarap talagang kumain pero ang sa akin, masarap kumain pero binabawi ko po sa takbo, boxing. Kasi nga po gusto namin ma­ging healthier this time.

“Boxing, nagra-run po kami ni Aljon. Walking siyempre tapos po konting sayaw, konting, minsan nagta-trampoline, ‘yung jump-jump lang ba,” masayang kuwento ni Mane.

Gusto pa raw kasi ni Mane na magtagal pa sa showbiz na malusog at walang sakit. Kaya sinimulan na niya ang bagong healthy lifestyle para parati siyang may lakas sa magdamagang taping ng kinabibilangan niyang teleserye na Inday Will Always Love You.

vuukle comment

ANNE HATHAWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with