^

Pang Movies

Kris willing isuko ang lahat para kay Herbert

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Kris willing isuko ang lahat para kay Herbert
Kris at Herbert

Kahapon, Father’s Day ay may live session si Kris Aquino sa lahat ng kanyang social media accounts bilang special day rin ito sa kanya since tumatayo rin siyang ama sa kanyang dalawang anak na sina Joshua and Bimby.

Nagkaroon siya ng Q&A with Bimby na mostly about parenting. Tinanong siya ng anak kung ano ang naging feeling niya nang malaman niyang buntis siya kay Josh, gayundin noong ipanganak siya.

Inamin naman ni Kris na noong time na nagbuntis siya kay Joshua ay very scared siya dahil alam niyang mali ito since hindi nga siya kasal sa ama nitong si Phillip Salvador. Well, alam din naman ng lahat at nasaksihan naman ng mga tao na talagang nagalit sa kanya ang kanyang inang si former President Cory Aquino.

Iba naman daw when she had Bimby dahil lahat daw ng tao noon ay tuwang-tuwa and excited.

Pero ang pasabog ni Kris sa last part ng kanyang live session ay tungkol kay who else but Quezon City Mayor Herbert Bautista. Of course, hindi naman niya binanggit ang name pero obvious naman na siya ang tinutukoy.

“There was only one person I ever offered to stop being Kris Aquino for. And he did not take me up on that offer,” pagre-reveal ni Kris.

Patuloy niya, “so, that is my only ‘what if’’ because that’s my main mistake, eh. I’ve always been filled with pride kasi ang feeling ko, pinaghirapan ko ‘tong lahat, especially now. Especially ito, kasi there was no brother backing me up, there was no network backing me up. This was built from the ground up from zero.”

Pero willing daw siyang i-give-up ang lahat ng ito alang-alang sa isang taong ito.

“And there was a person na sinabihan ko, ‘para sa ‘yo, ibibigay ko, isusuko ko ‘yung mga kontratang ‘yan, bahala na.’ Kasi bawal, eh. Bawal sa mga kontratang ‘yan ang conjugal with a politician. And I was not taken up on that offer,” pahayag pa ni Kris.

Kaya kung may isa siyang wish, ito raw ay sana, tinanggap ang offer niya ng taong ito.

Dingdong pinakamasayang tatay!

Natuloy nga ang pamilya Dantes (Dingdong, Marian and Baby Zia) sa Palawan nitong weekend para ipagdiwang ang Father’s Day. Panay ang post ng mag-asawa sa kani-kanilang social media accounts para i-share ang kanilang bakasyon.

Sa isang post ni Marian ay makikitang may hawak na flowers si Dingdong na obviously ay bigay niya at sa caption, binati niya ang mister in Spanish.

“Feliz día del padre mi amor!” ang caption ni Ma­rian na ang ibig sabihin ay “Happy Father’s Day, my love.”

Nag-post naman si Dong ng dinner set-up by the beach at aniya sa caption, “and so they surprised me with this beautiful set-up.”

Nag-post din ang aktor ng napaka-seksing larawan ng kanyang misis in a bikini and wrote, “Mestizang Caviteña na chumichinita.”

vuukle comment

HERBERT BAUTISTA

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with