^

Pang Movies

Martin Andanar bubuwelta!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Martin Andanar bubuwelta!
PCOO Secretary Martin Andanar

Magkakaroon ng tsikahan portion si PCOO Secretary Martin Andanar sa entertainment press at sure na mapag-uusapan ang mga latest controversy na kinasasangkutan ng opisina niya tulad ng spelling ng Norwegia at siyempre, ang isyu sa pagitan nina Kris Aquino at PCOO Assistant Secretary Mocha Uson.

Seasoned broadcast journalist si Papa Martin kaya sure ako na may sagot siya at masasagot niya ang lahat ng mga isyu at paratang na ipi­nupukol sa kanyang opisina.

Sa true lang, maraming magagandang bagay ang nagagawa at ginagawa ng office ni Papa Martin para sa bayan pero ang mga maliliit na pagkakamali na pinalalaki ng detractors niya ang pinagtutuunan ng mga tao na happiness na ang manira ng kapwa, lalo na sa mga nakapuwesto sa administrasyon ni President Rodrigo Duterte.

 Bong suportado ng mga sikat

May big show na magaganap sa Antipolo na dadaluhan ng mga sikat na artista at idaraos bago matapos ang June.

Ang sabi ng source ko, suporta para sa senatorial bid ni Secretary Bong Go ang Antipolo show.

Sure na sure ang source ko sa balita na ipinarating niya sa akin kaya naniniwala siya na tuloy na tuloy ang pagtakbo ni Papa Bong bilang senador sa eleksyon sa 2019.

Mahirap mag-speculate. Let’s wait and see na lang tayo sa mga susunod na kabanata dahil sigurado naman na haharapin at sasagutin ni Papa Bong ang isyu tungkol sa senatorial bid niya.

Kris stressed sa kapapatol sa followers

Worried ang friends ni Kris Aquino sa kanyang health condition.

Nag-aalala sila dahil kung hindi mataas ang blood pressure ni Tetay, low blood naman at nagkakaroon siya ng mga allergy sa gamot na iniinom niya.

Stressful kasi ang lifestyle ni Tetay dahil super workaholic siya. Hindi siya nawawalan ng mga ginagawa at parang mas busy si Tetay ngayon kesa noong may regular tele­vision show.

Kailangan yata na magbawas si Tetay ng workload at mag-lie low sa social media.

Nakaka-stress kaya ang magbasa ng mga comment sa Instagram, negative o positive man ang comments. I should know dahil binabasa ko ang mga komento sa IG ko.

More than fifty thousand ang bilang ng followers ko sa social media na walang binatbat kung ikukumpara sa three million plus na followers ni Tetay kaya stressful kung babasahin nito ang lahat ng comments.

May ugali pa naman si Tetay na sumasagot sa mga opinyon at reaksyon ng followers niya, ke­sehodang madaling-araw na. Imbes na magpahinga at matulog nang mahimbing, nakakaabala pa sa beauty rest niya ang pagsagot sa fans.

vuukle comment

MARTIN ANDANAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with