^

Pang Movies

Juliana bawal pa ring magpaligaw kahit 18 na

YSTAR - Baby E - Pang-masa
Juliana bawal pa ring magpaligaw kahit 18 na
Juliana Gomez

Ang nag-iisang anak nina Lucy Torres-Gomez at Ormoc City Mayor Richard Gomez na si Juliana Gomez ay malapit nang mag-18 sa September 8. Imagine? Dalagang-dalaga na ngang talaga si Juliana, pero alam niyo ba na hanggang ngayon ay ‘di pa rin siya pinapayagang mag-entertain ng mga manliligaw? Well mukha namang wala rin sa kanya iyon.

Wala pang may idea sa ngayon kung ano ang plano sa 18th birthday ni Juliana, pero siguradung-sigurado na bongga ang party na ito, dahil ang dami ng kaibigan niya at kaklase. Pati na rin siyempre ang mga kaibigan ng kanyang nanay at tatay ay imbitado rin.

Well, wait na lang natin ang plano ng mag-asawang Lucy at Richard sa puwedeng ituring na first big event ng kanilang unica hija.

Si Richard ay nag-iisang anak lang din ng estranged couple na sina Stella Suarez at Eddie Gomez.

Si Stella ay kasalukuyan nang naninirahan sa abroad kasama ang sariling pamilya.

Marco walang swerte sa I Can See…

Ang singer na si Marco Sison pala ay may pitong anak, lahat daw ito ay puro lalaki at malalaki na.

Kamakailan lang ay nag-guest si Marco sa game show na I Can See Your Voice kung saan ang host ay si Luis Manzano at as usual, pinagtripan na naman siya nina Luis at ng Singvestigators na sina Angeline Quinto, Alex Gonzaga, Kean Cipriano, Bayani Agbayani, Andrew E. at Wacky Kiray tulad ng ginagawa nila sa mga sumasali roon.

Hindi niya nahulaan kung sino ang singer at kung sino ang hindi. Yes, pati ang pinili niyang maka-duet, na halos kasing-edad na niya ay sintunado pala pero nakapag-uwi naman ng P25,000 cash prize.

Si Marco ay makakasamang mag-perform nina Rey Valera, Rico J. Puno at Rachel Alejandro sa 45th anniversary concert ni Hajji Alejandro, titled Ako At Ang Aking Musika na gaganapin sa June 23 sa The Theater, Solaire.

Marami rin daw performances na gagawin pa itong si Marco at karamihan daw ay sa probinsya.

Wacky walang tigil sa pagtatrabaho

Waring wala ring kapaguran itong isa sa singvestigators sa I Can See Your Voice na si Wacky Kiray. Bukod pa kasi sa I Can See… ay napapanood din siya sa Saturday sitcom na Home Sweetie Home na pinagbibidahan nina Toni Gonzaga, Piolo Pascual at Ogie Alcasid.

Weekdays naman ay nasa cast din siya sa ser­yeng Bagani. Ito’y bukod pa sa napapanood pa rin siya bilang comedy performer sa Punchline Comedy Bar at Laffline Comedy Bar.

Need to work hard daw si Wacky Kiray, na Ricardo Balarosa, Jr. sa tunay na buhay, matagal na raw kasi niyang pangarap na mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya.

Dingdong nakuha ang suwerte ni Sid

Sina Dingdong Dantes at Anne Curtis ay tulad ng karakter nilang sina Sid and Aya na sinuwerte sa kani-kanilang buhay.

Kung si Anne Curtis ay tuluy-tuloy ang mga projects,

Si Dingdong naman ay natupad na ang pangakong ididirek niya ang kanyang asawang si Marian Rivera sa isang episode ng serye nitong Tadhana

At siyempre nagkaroon din siya ng infotainment titled Amazing Earth, ang local presentation ng British Broadcasting Company (BBC) series, Planet Earth.

Maging si Dingdong mismo ay sobrang humanga sa mga nadidiskubre niyang extraordinary landscapes at wildlife sa ating bansa.

Amazing Earth started airing kahapon (Sunday) on GMA 7.

vuukle comment

JULIANA GOMEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with