^

Pang Movies

Aiko hinahabol uli ng misis ng dyowang pulitiko!

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Aiko hinahabol uli ng misis ng dyowang pulitiko!
Aiko

Pagkatapos na lumantad ang babaing sinasabing nakaaway ni Ara Mina, at nalantad din tuloy kung sino ang sinasabing public official na dahilan ng kanilang awayan, may bago na namang kontrobersiya. Matapos namang aminin ni Aiko Melendez na talagang boyfriend niya si Mayor Jay Kunghon ng Subic, may naglantad naman ngayon na may legal na asawa ang mayor na ang pangalan ay Eloisa Lopez Recella. Pero ang kuwentong iyan ay mula sa social media, at hindi natin alam kung fake news din.

Away ni Diego at driver pambarangay lang!

Hindi talaga maliwanag sa amin ang sinasabing kaguluhan kung saan nasangkot si Diego Loyzaga. Nagsumbong ang isang TNVS driver at sinabing pinagsisipa ni Diego ang kanyang sasakyan, natakot pa  raw ang kanyang pasahero, at iyon ay nakunan pa ng cellphone video ng isa ring TNVS driver na nagkataong nasa nasabi ring lugar. Iyon ang naunang version.

Doon naman sa version na nanggaling kay Teresa Loyzaga, hindi niya ikinaila na nagalit si Diego, pero ang sabi niya, muntik nang magkaroon ng aksidente dahil sa bilis ng dating ng TNVS, at muntik nang mabangga ang sasakyan ni Diego kung hindi lamang naging maagap ang kanyang driver. Iyon daw ang dahilan ng galit ni Diego.

Mayroon naman talagang laging dalawang version ang mga pangyayari. May banta ang may ari ng kotse na magdedemanda siya dahil nasira raw ang kanyang sasakyan. May akusasyon pa ang ibang netizens na binaliktad daw sa balita ng ABS-CBN ang mga pangyayari dahil artista nila si Diego. Naninindigan naman si Teresa na may katuwiran ang galit ni Diego.

Hinahanap nila ang CCTV doon sa harapan ng isang hotel kung saan naganap ang mga pangyayari.

Magkabilang kampo na nagsasabing iyon ang magpapatunay kung sino ang may kasalanan. Aywan kung mayroon ngang malinaw na footage ang CCTV dahil doon sa cellphone video, wala naman halos makita. Sila, alam nila iyon dahil nandoon sila, pero kung yong video lang nila ang basehan, malabo.

Palagay namin, iyan ay mga bagay na mapag-uusapan nila. Masyado nang maraming kasong hawak ang ating mga hukuman at ang mga ganyang petty crimes ay dapat pinag-uusapan na lang kahit na sa barangay. Hindi na dapat umabot pa sa korte.                                                    

Mga nominado sa The Eddys napanood ng fans

Wala pang awards na nakaka-excite sa publiko. Iyon ang dahilan kung bakit ang mga nanalo, isang araw lamang napag-usapan, at nauulit lang dahil sa kanilang mga posts sa sarili nilang social media account. May dahilan naman kung bakit ganoon.

Pinagtawanan iyong resulta ng isang award na mukhang wala na yatang kredibilidad talaga. Iyong isa naman ang mga awardee ay mula sa mga pelikulang ni hindi napanood ng karamihan, kaya walang kuwenta ang contest. Iyong isa pa rin, parehas nga raw ang desisyon, pero ganoon din eh, wala namang nakapanood sa mga sinasabi nilang mahuhusay.

Kaya lahat ng mga tao ngayon nakatutok doon sa The Eddys na gagawin na sa susunod na buwan. Sila naman daw, ang isinali lang nila sa selection ay iyong mga pelikulang nailabas sa sinehan. Ibig sabihin napanood ng mga tao at maaari silang gumawa ng comparison sa ibang napanood din nila. Isa pa, mukhang iyan na nga lang Eddys ang may sapat pang kredibilidad sa paningin ng masa.

vuukle comment

ARA MINA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with