^

Pang Movies

Kahit aminadong sintunado, concert ni Maine nag-trending worldwide!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
Kahit aminadong sintunado, concert ni Maine nag-trending worldwide!
Maine

Ang bongga naman ng concert kahapon ni Maine Mendoza at ng Broadway Boys sa Eat Bulaga dahil nag-trending ito worldwide.

Hindi siya singer ang pralala ni Maine pero may tono ang boses niya as in hindi sintunado kaya winner sa televiewers ang pagkanta nila ng Broadway Boys.

Sa true lang, versatile actress si Maine dahil kayang-kaya niya na gawin ang lahat ng mga ipinagagawa sa kanya.

Ang pagiging talented actress ang dahilan kaya naniniwala ako na magtatagal si Maine sa showbiz, kahit magkanya-kanya sila ng landas ni Alden Richards na mahusay rin na aktor, singer at dancer.

Talagang pinagtagpo ng tadhana sina Maine at Alden dahil pareho sila ng qualities na kailangan sa isang artista. Hindi rin sila mayayabang o pasaway kaya good role model ang dalawa para sa mga kabataan.

Beauty at Rayver sabay lilipat ng GMA

Marami ang naniniwala na lilipat si Rayver Cruz sa GMA 7 dahil nagbabu na siya sa ABS CBN.

Ang sabi ng mga showbiz observer, hindi basta aalis si Rayver sa mother studio nito nang walang kapalit. Alangan naman na hayaan niya na nakatengga ang kanyang career.

Malaki ang chance na magkasama sila ng kanyang rumored girlfriend na si Janine Gutierrez.

Fourteen years na contract star si Rayver ng ABS CBN at hindi siya ang unang Kapamilya star na lilipat sa GMA 7.

May tsismis na mag-oober da bakod na rin si Beauty Gonzales sa GMA 7 at ang guesting niya sa game show na Celebrity Bluff ang diumano’y hudyat ng kanyang pagiging Kapuso.

Gladys laglag sa movie ni Christopher 

Hindi totoo na package deal si Gladys Reyes at ang mister nito na si Christopher Roxas dahil magkasama na sila sa Inday Will Always Love You, ang primetime teleserye ng GMA 7.

Nagkataon lang na bagay kay Christopher ang role na kailangan sa Inday Will Always Love You kaya siya ang kinuha ng production staff.

Kung true na package deal ang mag-dyowa, bakit hindi kasali si Gladys sa cast ng Cry No Fear, ang suspense-thriller movie ng Viva Films na tinatampukan ni Christopher at showing sa ci­nemas nationwide sa June 20?

Hindi kailangan na package deal ang dalawa dahil may sariling career at mga business na pinagkakaabalahan si Christopher pero hindi nito ipinagmamakaingay bilang very private person siya.

Baron spoiled sa showbiz

Pinaghahandaan na raw ni Baron Geisler ang pagbabalik-showbiz dahil missed na missed na niya ang pag-arte.

Magaling na character actor si Baron at sana nga, seryoso na siya sa pagbabagong-buhay dahil sayang ang acting ability niya.

Spoiled na spoiled si Baron sa showbiz dahil patuloy siya na binibigyan ng sangkatutak na tsansa sa tuwing nagkakamali pero binabalikan pa rin niya ang dati at maling gawi.

Dapat i-remind kay Baron na kahit spoiled siya sa showbiz, may hangganan ang lahat kaya huwag niyang sagarin ang kanyang luck dahil hindi imposible na matulad siya sa ibang mga artista na nagpabaya sa career at hindi na nakabawi.

 

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with