^

Pang Movies

Magandang aktres basang-basa sa leading man

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

Napakaganda ng mukha ng isang TV actress. Nakakainggit ang ilong nito. Kaya nga lang, mukha itong ma-elya.

Hindi ako kumbinsido na hindi siya nagwa-water-water sa aktor na leading man niya. E, ang pogi kaya ng aktor! At hindi lang ako ang nakakapansin nito kung hindi pati nga ‘yung ibang katkatera na nanonood sa show niya na nasasabi ring  maelya daw si aktres!

Aminin man niya o hindi, wapakels!

Floating resto sa Bulacan, nakaka-relax

Baka magkaroon ng part two ang invitation ni Vice Gov. Daniel Fernando ng lalawigan ng Bulacan. ‘Yung naunang invitation for lunch sa PMPC (Philippine Movie Press Club) ay first week of May na ginanap sa Orante Resort sa Iba, Calumpit Bulacan. Ang ganda ng place, isang floating restaurant na habang nagla-lunch ay nagku-cruise ito for two hours, sa saliw ng mga awiting Pinoy.

Nakita namin si Evelyn Diao na nagsasayaw ng pandango. May mga katoto na non-members na nagsabing gusto nilang marating ang place at mag lunch sa floating resto, kumain ng native food, sumayaw, at makinig ng ala-Armida Siguion Reyna songs at boses ng singer na si Meybheline Caluag.

Nasabi namin ito kay Vice Gov. Daniel at sey niya, kailangan daw tiyempo na walang bagyo, ulan, o malakas na hangin. Ok naman sa kanya. Nagkataon lang na naging close siya sa PMPC na ang pangulo ay si Joe Barrameda at ang Bise Pangulo ay si Fernan “Ms F” de Guzman.

Join ka Salve A. for a change, local naman para ma-relax tayo.

Rodjun proud sa kapiranggot na role

Maliit lang ang role ni Rodjun Cruz sa series na Di Ko Kayang Iwan Ka pero proud naman siya at malaki ang pasasalamat niya sa GMA7 na siya ang napili sa role ng lalaking nakarelasyon ni Jackie Rice. Sa kanya raw, small or big role sa TV o movie, ang importante may trabaho at exposure at hindi nababagoong ang talento sa akting, ang mga Cruz pa naman, bukod sa musika ay talento pa rin nila ang pag-arte sa harap ng camera.

Manilyn, Sheryl at Tina nabuhay ang career sa TV

Buhay na buhay ang career nina Manilyn Reynes, Sheryl Cruz, at Tina Paner. Si Manilyn ang nag-stay foot sa TV kaya naman mas marami siyang exposure. Sumunod si Sheryl at ang huli ay si Tina. Puro GMA 7 babies sila. Remember, silang tatlo ay sumikat bilang recording artists. Ang mga pinasikat nilang awitin ay Mr. Dream Boy, Sayang na Sayang Lang, at Umiibig Ka Pala Sa Akin. Naging patok ang mga awitin nilang tatlo sa mga kabataan noong kasagsagan nila sa That’s Entertainment ni Kuya Germs.

Happy to see them, still active on TV kahit na sila ay mga mommies na din. 

Tanghaliang May Sabaw…

Pansin ko lang, ang dami pa ring nagugutom na Pinoy lalo mga bata na pag tinanghuran ka, kahit tutong ay kakainin nila. Sana matulungan sila ng ating gobyerno, ni Pangulong Digong Duterte. Kung may kakayahan ako, gusto kong magkaroon ng proyektong tatawaging Isang Umagang May Pandesal o kaya Tanghaliang May Sabaw o kaya naman Hapunang May Dasal.

Ganern, kaso ala man akong yaman or magic para magawa ito sa mga batang kapus-palad. Dasal na lang ang kaya kong ibigay. ‘Yun lang!

vuukle comment

RODJUN CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with