^

Pang Movies

Solenn kakaiba ang ginawa sa mga bagong obra

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Solenn kakaiba ang ginawa sa mga bagong obra
Solenn

Hinahanda na ni Solenn Heussaff ang kanyang next painting exhibit at isang mala­king pasabog daw ito.

Kung naging masyado raw siyang emotional sa huli niyang exhibit na Kalsada kung saan ipinakita niya ang iba’t ibang mukha ng mga street children at iba pang mga tao sa kalsada ng Metro Manila, ang susunod naman ay personal na ang tema niya.

Alam naman daw ng lahat na hangad ni Solenn ang alagaan ang environment ng Pilipinas at pati na ang buong mundo.

“I’m not sure you read my last post (on solenn.ph) about taking care of our country and planet. So I continue my journey and fight for people to wake up and start teaching others about what we can do to help,” sey pa ni Solenn.

Ang titulo ng next exhibit ni Solenn ay What Our Children Might Not See.

Wala raw ipo-post si Solenn na anumang artwork niya via social media dahil gusto niyang masorpresa ang lahat sa pasabog ng kanyang exhibit kapag nagbukas na ito.

Uge hindi makapaniwala sa narating ng CB

Hindi makapaniwala si Eugene Domingo na umabot na sa limang taon ang hinu-host niyang all-original Pinoy game show na Celebrity Bluff.

Noong nakaraang June 9 nga ay nag-celebrate ang programa ng kanilang fifth anniversary kung saan ang mga usual bluffers na sina Boobay, Brod Pete at Donita Nose ang naging players.

One month daw ang celebration ng naturang game show kaya paghandaan daw ng maraming avid viewers nila ang mga sorpresa sa ika-5th anniversary nila.

Gal Gadot pinakita na ang bagong WW

Pinasilip ng Hollywood actress na si Gal Gadot ang first photo niya bilang si Diana sa sequel ng pelikula niyang Woman Woman na may titulong Wonder Woman 1984.

Sa Twitter pinost ni Gal ang photo na nakaharap siya sa wall of televisions na palabas ay mga ‘80s na TV shows. May simpleng caption siya na #WW84.

Kinumpirma naman ng film director na si Patty Jenkins ang pagbabalik ni Chris Pine bilang si Steve Trevor.

Sa unang pelikula kasi ay namatay ang character na ni Pine sa pagsabog ng sinasakyan nitong eroplano.

Sa first shooting day nila Gal Gadot at Chris Pine, suot nila ang mga ‘80s clothes tulad ng Members Only jacket, fanny pack, women’s blazer at brown weave belt.

vuukle comment

SOLENN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with