^

Pang Movies

EXB may jingle na kay Sec. Go!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa
EXB may jingle na kay Sec. Go!
Bong

May promise ang Ex Battalion na hindi basta concert ang mapapanood sa Kami Ang ExB dahil may mga inihanda sila na mga production number para sa kanilang anniversary show sa Ynares Sports Arena sa July 14.

Ang Kami Ang ExB ay pasasalamat ng Ex Battalion sa kanilang fans kaya very affordable ang ticket prices ng concert nila.

Ang Four Lights Productions ang producer ng anniversary show ng Ex Battalion at ayon kay Marlon Vergara, ipapakita ng lahat ng mga miyembro ng grupo ang talent sa rap at pagkanta. The who si Marlon? Siya ang young producer ng concert at head ng Four Lights Productions.

Siyempre, may special participation si AiAi delas Alas sa Kami Ang ExB bilang siya rin ang ma­nager ng grupo.

Magiging busy ang Ex Battalion sa rehearsals ng coming soon concert nila kaya pahinga muna sila sa mga guesting sa teleserye para makapag-concentrate sa kanilang anniversary show.

Si AiAi ang nagdesisyon na i-pull out sa mga teleserye ang mga nag-aartista na miyembro ng Ex Battalion at agree naman ang grupo sa ginawa niya.

Napanood ko ang music video ng Ex Battalion tungkol sa pagkandidato ni Secretary Bong Go bilang senador sa eleksyon sa susunod na taon.

Pinalitan ng Ex Battalion ang lyrics ng kanilang monster hit song na Hayaan Mo Sila kaya nagmistulang campaign jingle ni Papa Bong ang bagong version ng kanta.

Nalito ako dahil six days ago, nag-declare si Papa Bong na hindi siya kakandidato na senador sa 2019 kaya wondering ang fans kung para saan ang music video ng Ex Battalion.

Sa October 2018 ang filing of candidacy ng mga nagbabalak na tumakbo para sa iba’t ibang posisyon kaya maghihintay pa tayo ng apat na buwan para malaman ang mga plano ni Papa Bong.

Ara tameme pa rin sa bintang nang pang-aagaw

May emote uli ang CEB member na si Rina Navarro tungkol sa nangyari sa love affair nila ng isang government official.

Pero positive at hindi bitter ang bagong pralala ni Rina na nag-wish pa na maging happy sana ang mga tao na nakasakit sa kanya.

Movie producer si Rina dahil siya ang nag-produce ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo na official entry sa Metro Manila Film Festival 2014.

Dati-rati, dedma ang mga tao kay Rina bilang movie producer. Ngayon na lamang nila napapansin si Rina dahil sa pag-amin nito na inagawan siya ng dyowa ni Ara Mina na itinuring niya na parang tunay na sister.

 “I remember last month on Mother’s Day, I was in so much pain, life’s gift to me was heartbreak that no one could even put in words. I was awake and crying for days.

“While I watch others pretend that they have not hurt anyone, I had no choice but to hold on to God and His promises. Vengeance is mine says the Lord...

“I was humiliated publicly in front of my daughter’s eyes and strangers, people told the press about the incident and my story became public, while I chose to keep my silence.

“Everyday, I have to choose to be silent in exchange of others freedom. I appreciate everyones words of encouragement and concern, pero wag natin sila awayin or sabihan ng masama, pabayaan natin sila maging masaya at mag tagumpay sa buhay.

“Mas maganda ang paraan ng Diyos. I am just thankful to God that He took me out and saved me. I continue to pray for healing and I continue to pray for the people who has hurt me.”

Dalawang magkasunod na linggo na naglabas ng statement si Rina pero hindi pa rin siya nagpapainterbyu tungkol sa mga tunay na nangyari noong May 9. Tahimik din ang kampo ng aktres na inaakusahan niya na naging dahilan ng paghihiwalay nila ng kanyang fiancée na go­vernment official.

 

vuukle comment

EX BATTALION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with