^

Pang Movies

Kyline milyonarya na rin!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Kyline milyonarya na rin!
Kyline Alcantara

Ang latest Instagram millionaire ay ang Kapuso actress na si Kyline Alcantara.

Mabilis na umabot sa 1.3 million ang kanyang followers sa Instagram simula noong sumikat siya bilang isang kontrabida sa top-rating primetime teleserye ng GMA-7 na Kambal Karibal.

Simple lang ang pasasalamat na pinost kamakailan ni Kyline para sa kanyang mga followers: “Thank you for 1.3 M”

Thankful din si Kyline sa panibagong season na binigay ng GMA-7 sa Kambal Karibal. Hanggang August na raw ang teleserye nila nina Bianca Umali, Pauline Mendoza at Miguel Tanfelix.

Malapit na rin daw paghandaan ni Kyline ang kanyang album para sa GMA Records. Pinaghalong original at revival songs ang magiging laman ng kanyang kauna-unahang album.

Sa mga naka-post na YouTube videos kung saan inaawit ni Kyline ang cover versions ng songs na Perfect, Tadhana, Sundo at Ugoy Ng Duyan, umabot na sa millions ang views ng mga ito.

Giselle relate na relate sa ordeal ni Heart

Sa kanyang Instagram account, nag-share ang comedienne na si Giselle Sanchez ng kanyang istorya kay Heart Evangelista-Escudero tungkol sa pinagdaanan niyang miscarriage.

Nakaka-relate si Giselle kay Heart dahil minsan na ring nakunan ito noong 2008. Isang baby boy ang nawala kay Giselle na pinangalanan niya itong Gio.

Kaya noong mabasa ni Giselle ang pinost ni Heart tungkol sa pagkawala ng twin babies niya, muling bumalik sa alaala ng komedyante ang lungkot na iyon at nais niyang i-share kay Heart kung paano niya ito nalagpasan.

“Dear @iamhearte, i empathize with the the pain you are going through right now because I had to go through the same ordeal back in 2008 when I lost my baby Gio.

“There are things God allows that we cannot comprehend but know that this is part of the journey God prepared for you and that in the end, HE always makes everything alright. It’s like the story of Joseph the Dreamer in the Bible.

“God allowed him to be sold by his brothers as a slave only to be the adviser of the King someday. Maybe God has saved Mira from pain and sickness.

“In Jesus name, I pray that you conceive soon. I was able to conceive Xavier Zappa one month after my miscarriage.

“Allow yourself to grieve. Allow tears to fall from your eyes. Pray and the Lord shall grant consolation to those who mourn.

“Blessed are those who mourn for they shall be comforted.”

“You are blessed Because God promises that HE would draw those who mourn near HIM and bind the wounds of their hearts. (Matthew 5:4) I claim that YOU WILL BE A MOTHER AND YOU WILL BE A GREAT ONE!”

Hindi bumabalik sa social media matapos nga niyang ikumpisal ang nangyari sa panganay sana nila ni Sen. Chiz Escudero.

Orig na Bond girl pumanaw na

Sumakabilang-buhay na ang kauna-unahang Bond Girl na si Eunice Gayson sa edad na 90.

Si Eunice ang pinakaunang leading lady ng spy character na si James Bond 007 sa pelikulang Dr. No in 1962. Ang gumanap na James Bond ay si Sean Connery. Ang name ng character ni Eunice ay Sylvia Trench.

Siya lang ang natatanging Bond Girl na lumabas sa dalawang James Bond movies. Ang ikalawa ay ang From Russia With Love in 1963.

vuukle comment

KYLINE ALCANTARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with