^

Pang Movies

Anthony Bourdain ?puring-puri ang mga Pinoy

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Nabasa namin ang isang sinulat ng yumaong celebrity chef na si Anthony Bourdain tungkol sa kanyang naging pagdalaw sa Pilipinas. Napakalaki ng kanyang ginawang papuri sa mga Filipino. Naikuwento pa niya na ang kanyang anak ay lumaki sa isang yayang Pinay, at iyon ay naging mabuting tagapangalaga ng kanyang anak, na nagturo roon ng disiplina at tamang values. Pinuri niya pati ang ugali ng mga Filipino at ang values na pinaiiral dito sa atin.

Bukod diyan sinasabi nga nila, si Bourdain ang nagpasikat sa buong mundo ng ilang pagkaing Pinoy, kagaya ng halu-halo, sisig at lechon.

Mas malaki ang kanyang nagawa kaysa sa ginastusan ng walumpung milyong pisong Buhay Carinderia na hindi naman natuloy pero binayaran at ngayon ay nakakalimutan na yata.

Maging ang ating celebrities ay hindi nagkailang sila ay tagahanga ni Bourdain. Nagulat nga kami nang makita namin si Judy Ann Santos, ang totoong drama queen ng telebisyon at hindi iyong hanggang video lang, na nakipag-selfie pa kasama si Bourdain. Isipin mo, kung ang isang malaking star na kagaya ni Juday, na isa ring chef, ay humanga nang ganoon kay Bourdain, lalo na ang iba.

Nakakahinayang at namatay na si Bourdain. Nakakahinayang at siya mismo ang nagpasya na wakasan na ang kanyang buhay, Kaibigan siya ng mga Filipino.

Martin balik hosting na

Ibabalik na nga pala si Martin Nievera bilang host ng isang daily night show. Diyan naman talaga magaling si Martin. Iyong show niya noong araw, kahit lampas hatinggabi na, talagang pinanonood ng mga tao.

Sinasabi nga nila noon, ang nakipagsabayan lang kay Martin sa pagho-host ng show sa gabi, bagama’t weekly lamang ang kanyang programa ay si Kuya Germs, na minsan inaabot hanggang alas kuwatro ng madaling araw ang show, pero pinanonood pa rin ng fans.

Sayang nga lang at ilalagay si Martin hindi sa free TV kung di doon sa kanilang cable news channel, kaya ang makapanood lang sa kanya iyong may cable connection.

Mayayamang walang pakialam sa kapwa, di dapat iniidolo!

Wala tayong pakialam kung ano ang ginagawa ng mga mayayaman o ng mga nagmamay-ari rin ng ekta-ektaryang lupa, sa perang kanila naman. Pero kung minsan nakakainis na makita pa na may mga taong nagtatapon ng milyon, o gumagastos ng milyon sa alahas, bag o iba pa, sa panahong ito na naghihirap ang mga Filipino, tumataas ang presyo ng bilihin at marami ang hindi na kumakain ng tatlong beses maghapon.

Iyang mga taong ganyan, ipinakikita lamang nila kung gaano sila ka-insensitive sa damdamin ng ba­yan. Tapos ba iidolohin ninyo ang mga ganyang tao? Nakakatawa naman iyan.

Mas iidolohin ko pa iyong kumakain ng kamote, pero nauunawaan ang damdamin ng bayan.

 

vuukle comment

ANTHONY BOURDAIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with